Wednesday, December 31, 2008

New Year, Old Worries, Same Same

Dahil lumaki ako sa panahong ABS-CBN at GMA lang ang katuwang ng aking mga magulang sa paghubog ng aking katinuan [at kahibangan], aking ding malamang nakuha ang nakagawiang Holiday features sa kanilang mga programa.
set...1...2...3....ACTION!


dahil na rin sa paniniwala kong makakaya kong gawin ang mga takdang aralin sa halos tatlong linggong bakasyon kung kaya't [ok, it's my favorite word now] I procrastinated! wala akong kapita-pitagang nagawa sa mga linggong nagdaan. dinala ko pa man din ang aking mga abubot, mga libro at papel, umaasa na sana ay hihilain ng mga ito akong buklatin sila at pag-aralan. Ngunit hindi, hindi ako pinayagan ng aking laptop ng gawin ang aking mga responsibilidad bilang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas

Laptop.. ang pinakamalaking balakid sa aking inaasam-asam na matinong buhay estudyante. Ni hindi ko magawang hindi ito buksan kahit isang araw man lang. Ginagawa ko na itong music player, dvd player, diary notebook, downloader, gah! pati panguha ng pictures at pagbabasa ng mga piniratang libro!

libro. sa totoo lang, apat na libro lang naman ang paulit-ulit kong basahin...ang Twilight series. Para sa akin, hindi talaga ito ang pinakapaborito kong libro, hindi ito ang pinaka-magnificent na kwento, hindi ito ang pinaka-orihinal, hindi rin pinaka-nakakaantig. Wala ito sa magic ng Harry Potter, sa romantic comedy ng Pride and Prejudice, nguni't hindi ko pa rin matanto kung ano nga ba ang talagang nakapanghihila sa akin para ulit-ulitin ito [ count: 14 times since sembreak]. marahil ay sa characters nito, dahil lahat sila ay lovable for me, at ang pagiging direct ng kwento. walang overwhelming words, ideas, and concepts. the whole story is not [totally] original, but the manner in which it was written made it so for me.

commercial....
..pinagbigyan muli ako ng aking mother-dear sa isang boteng Vodka: Mudshake. hindi ko talaga maatim kung bakit ayaw nilang buksan ang white or red wine.
..ito ang hindi ko rin maintindihan, laging 5-10 minutes ahead ang pagpapaputok namin ng lusis at ng fountain [angtanging paputoks na binibili namin.]
..hindi ko rin magets kung talagang masaya ba talaga ang mga tao rito sa pagdating ng new year o iniisip nilang dapat sila ay maging masaya dahil new year. [hindi ba dapat, genuine ung feeling?] mukha kasing on-and-off ang nangyayari, bukas,naka off na, as in wala na... gets???
..Scripted. dapat spontaneous ang celebration di ba? bakit parang choreographed???

on air in...5...4...3...2...1

tapos na ang putukan, buo pa ba ang kamay ko?

siyempre naman, hindi naman ako humawak ng paputok ngaun eh.


hindi ko maarok [tama ba] kung bakit andaming ginagawang ekek ang aking nanay pagdating ng New Year. ajan ang luto luto ng mga pagkaing hindi nawawala pagdating ng handaan--spageti at salad. isama na rin ang goto. ajan rin ang 12 fruits at ang keso de bola at ham na talagang hindi ginalaw. ang Coke at ang Dunkin donuts [actually, pag ako pinapili, kukunin ko Mister Donut]. Ajan rin ang pagbubukas ng lahat ng ilaw at ng pintuan. over the years, dumarami pa ang mga add-ons sa traditional Lavarias New Year. this year, insenso.

waw.pare.bigat. napataas kilay ko nang makita ko ung lutuan na umuusok. akala ko nga katol ung nilagay dun eh, iyon pala, insenso. naku, pinipilit talaga ng nanay ko ang Chinese thingies...

upnext! ang totoong isyu sa totoong segment ng joketime na artikulo. [break]


Dahil sa hindi ako nakapag-unli sa panahon ng holidays kung kayat dito ko na lang idadaan ang aking mga pagbati...
...ang 2008, dahil na rin sa dito ang aking pagtatapos bilang hiskul, ay naging panahon ng pagmove-on at hiwalayan, ng magkakaibigan, ng mga may hidwaan. pinatibay tayo at pinarealize sa atin ang halaga ng ating mga kaibigan sa atin....
...Ngunit, naging panahon din ito ng pagkilala sa mga bagong karakter sa ating storya. sa pagpasok natin sa ating mga bagong buhay bilang mga kolehiyala at kolehiyolo, nakikilala natin ang mga bagong kaibigan at kakasamahin sa panibagong tatahaking mga balakid.
...at sa pagpasok ng 2009,
lets continue life, live it the way we want it, the way we ought to be.
live to no one's expectations but yours
and live for no reason but to live.
...lets continue making new friends... strenghthen the old ones, furbishe everything with moments.
...so lahat, Happy New Year, Happy New Day....
i mis u mudras and sdf! [ok feeling ata ako dun, wtv!]!

--isang mensahe mula sa inyong blogger, AlyssaKatrinaLavarias
set in 3..2..1...
[cue: Dario Marianelli's Dawn...]

ito na marahil ang pinakamatagal kong ginawang entry, hindi dahil nahihikahos ako sa salita, kundi dahil hindi ako totally focused sa ginagawa ko.

sa mga segundong ito, tatlong oras, matapos kung isulat ang pamagat, ay hindi ko na talaga maisip ang eksaktong topic na aking sanang sasabihin. Mapapansin din ang pabagu-bagong moda ng 'pananalita' ko rito.

Dahil sa aking [faulty] pananaw, ang new year ay ginawa lamang bilang palatandaan o marker ng gradual na paglipas ng oras. inadornohan lamang ito ng kung anu anong klase ng pagsalubong at paggunita. ang oras dapat ay continuous at hindi segmented. pero dahil sa mga tradisyon ng tao, ang pagsapit ng bagong taon ay nangangahulugan ng bagong buhay, bagong pag-asa, bagong pagkakataon upang gawin ang mga dapat gawin.


ang hindi nila alam [ o napagtatanto] ordinaryong araw lang ito, nguni't lahat ng palamuting iginawad sa unang araw ng enero ay maaari nating gawin o sa kahit na anong araw sa buong taon.

New Year, Old Worries, Same Same...
Dahil i refuse to celebrate New Year, [refuse as in hindi ko i treat as a special day] malamang ay wala ring special na mangyayari sa buong taon. [joke lang] ang ibig kong sabihin, hindi ko iiwan sa mundo ni 2008 ang mga worries, hinanakit, responsibilidad, at mga pangarap. hindi ako magsisimula ng bagong buhay sa mundo ni 2009. wala akong gagawing flashback at evaluation ko sa nakaraan, hindi rin ako gagawa ng New Year's resolution, hindi ako gagawa ng bagong goals...

dahil lahat ng gagawin ko sa taong ito ay pagpapatuloy lamang ng aking sinimulan sa mga nagdaan panahon. i'd let my worries live with me hanggang sa sila'y mawala ng kusa, hanggang magkaroon ako ng rason upang hindi na mag-alala. hindi rin naman magiging patas sa aking sarili kung kakalimutan ko ang mga hinanakit na aking tinamo sa nakalipas nang hindi man lamang sila nareresolba at nabigyang hustisya [what i mean is, majustify kung dapat pa ba akong magtampo o hindi na]. hindi ko babaguhin ang perception ko sa mundo dahil lamang sa nagpalit na ng taon. dahil ang oras ay patuloy lamang sa pag-inog. walang katapusan, walang segmento. dadalhin ko sa 2009 ang lahat dahil naniniwala ako na lahat ng aking gagawin ay makakatagpo ng kanilang sariling New Year o turning point. ang worries ay magnunewyear kapag wala na akong dahilang mag-alala sa parehas na bagay, ang hinanakit ay kung hindi na ako nasasaktan, ang goals ay kung nakamit ko na iyon kahit hindi sa enero-uno....

wala akong dahilang magnewyear, may dahilan ako para sa new day, sa new hour, sa new minute. pwede akong magpapaputok sa ngayon at sabihing Happy New Day! o Happy New Second. itutuloy ko ang aking sinimulan, nguni't pipilitin kong mag bagong buhay sa bawat bagong segundo....

Wednesday, December 24, 2008

[mga]Rason Kung Bakit Minsan Mas Nanaisin Kong Hindi Ko Sila Kaibigan

learn to laugh at yourself sabi niya, sumagot naman ako't sinabing, i laugh at myself, pero alam kong nagiging defensive ako ng mga oras na iyon.

i'm being stupid most of the time, kadalasan, sadya, minsan-minsan, hindi ko lang talaga maiwasang magpakabobo. nakakapagsasabi din ako ng mga bagay-bagay, opinyong nag-iiwan ng bakas ng masidhing emosyon at reaksyon, na sa susunod na minuto ay maaring hindi ko na rin paniwalaan. napakainconsistent mo sabi naman ng isa, sabi ko naman, i am constantly changing, pero defensive nanaman siguro ako ng mga segundong nabanggit ko iyon, pero baka rin hindi dahil sabay ng ideyang hindi ako constant, ay ang ideyang, sa pabagu-bagong trends ngayon, at sa aking obsesyong hindi sumabay sa agos kung kaya't i'm constantly agitated. irrational, sabi ng kanilang mga titig sa akin, mga glances at reaksyon sa aking mga reaksyon. hindi ko sila masisisi dahil, may bahid nga naman ng irrationality ang aking mga kilos. ang hindi nila alam, ang rationality at pagiging lohikal, ay dumarating kapag tapos na ang eksena, at tanging ako lang ang nakararanas ng parusa nito. double dead nga ako eh, dahil nahusgahan na ako, tas huhusgahan ko pa ulit ang sarili ko.

panghuhusga. hindi ko alam pero talagang nerita ako pag hinushugahan na ako. sino namang hindi db? hinatulan ka na nang hindi man lamang iiniintindi ang rason sa likod ng krimen. nguni't minsan, mas nakapanghihina pa rin ang assumption, o ang pagpredict nila sa aking mga gagawin, sasabihin, iisipin. lalo na nung minsan, sa isang activity pangintindi sa personalidad sa isang panghapong asignatura, sabi nung isa, ai naku, alam ko magiging sagot mo. hindi ko alam ang isinagot ko sa kanya pero naalala ko kung ano ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon--inis beyond reason. iniisip kaya niya na pipiliin ko ang mas nararapat o diplomatic na sagot kesa sa choice na mas applicable sa akin? ganoon ba kababa tingin niya sa akin? alam niya ang sagot ko dahil nag-assume na siya na ganoon nga ako magreact, i feel judged naman sa sinabi niya. double dead uli.

siguro, irrational disgust nanaman ito, dahil pwedeng ginagawa nila ang kanilang personality predictions dahil kilala o sinusubukan nila akong kilalanin at hindi nila ginagawa iyon bilang prelude o kaya naman dressing sa kanilang immature judgment.

napapadalas na rin ang aking pananahimik. kadalasan, iniisip nila na nag-eemo ako, o galit ako sa kanila. noong nakaraang linggo, nakipagkita ako sa tatay ko sa mall, pagalis niya, hinahanap ko sila, pumunta akong Toys R Us, dahil un ang sinabi nilang lugar. wala sila doon, kaya hinanap ko sila sa mall. worried kasi akong sabihin nilang ininjan ko sila, nung malapit na ang susunod kong subj, pumunta na lang ako ng sa room namin, at expressionless, nakita ko sila, tahimik lang ako, masakit ang paa, hinihingal. naisip ko ngayon lang, baka mas mabilis lang talaga magwork ang aking subconscious dahil, hindi ko naman intensyong humiwalay sa kanila, hindi ko sinasadyang hindi sila pansinin.. ginagawa ko na ang mga iyon bago ko pa narealize na ginagawa ko na sila. nang medyo lumiliwanag na ang aking pagiisip, napagtanto kong tama lang pala na tumahimik ako. dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, hindi ako galit, hindi ako masaya, hindi ako malungkot. mas defined pa siguro ung betrayed feeling, pero hindi pa rin sapat ang nararamdaman kong betrayal, dahil alam kong, justified ang kanilang pagpunta na lang sa room kesa hintayin ako sa rob. so tumahimik ako.

the next day, tanong niya, galit ka pa ba sa amin, pero sabi ko, hindi naman ako nagalit. forgivable pa ang assumption na iyon dahil, sa confused ang aking feelings noong nagdaang araw, malamang, grave ang expression sa aking mukha. pero ang sinabi noong isa, or ung ginawa niya ang talagang nakakagalit. tinanong nung isa kung galit ako kahapon, sabi ko hindi, pero sabi niya, galit ka eh, hindi mo kami pinansin tapos blahblahblah. hindi na ako nagsalita dahil hindi rin naman nila ako pakikinggan. iniisip nila marahil na easily predicted ang aking reactions kaya iniisip nila na tama ang kanilang mga assumptions. hinayaan ko na lang sila at nauna na sa paglalakad. bahala sila, sila rin naman ang talo, dahil mali sila. double dead again. nag-assume sila na nagalit ako, at hinusgahan nila akong muli.

hindi ako maghuhugas kamay, madalas ko rin iyang gawin. manghusga at magpredict ng reaction ng mga kakilala ko. pero siguro, mas malakas lang ang hagupit niyan, dahil, tingin ko ay kinakadena nila ako. gumawa na sila ng isang constant na imahe ng ako sa kanilang mga isipan at ang mga pagbabagong gagawin ko sa aking sarili, pagbabago sa pag-iisip, sa perspektibo ng buhay, sa mga bagay na kinaiinisan at hindi, ay mga pagbabagong sasabihin, huhusgahan nilang mali. sa panghuhusga nila ay hindi na nila ako hinahayaang outgrow ang mga nakasanayan, magmove-on sa nakagawian, palawakin ang ang pag-iisip.



-tbc-


opcors, natutuwa ako na friends ko siya at si isa, masaya ako at may kaibigan ako...masaya ako na friends ko kayo [esp: PACKMiJK, SDF, ang mga Casins, mga blockmates ko...] pero minsan talaga, hindi ko talaga maiwasang pagisipan kung tama ba na naging kaibigan ko kayo.haha. mga BI! o ako ba BI sa inyo? anyway, mukhang tiyagaan na lang mga friends... mahaba pa pagsasamahan natin[sana..]ahahaha-aha-ahaha [sabi ni Celine, tawa daw yan ni Mariel...hmm.ohwell]



>>>upnext! The story behind ahaha-aha-ahaha!!

Sunday, December 21, 2008

One Frustrated Entry

Ito ay akin sanang ipopost sa aking blog ilang araw matapos ang laban ni pcquiao. Ngunit dahil sa ilang dahilan--katamaran, at kawalan ng means--ay hindi ko naituloy. kung kanaisnais pa rin itong basahin ay hindi ko alam. indi ko na rin alam ang aking sinulat o sinabi. **copy paste lang ito mula sa aking notepad files.



panalo na naman si pacman...
hero's welcome na naman...
sana masuspindi ang klase....
tutal nakinabang naman ang mga tycoons sa panalo niya against dela joya e

so bakit ba parang ang lungkot ng tenor ng aking mga salita ngaun?
inaantok kasi ako. tas mukhang may hangover pa ako sa inis ko nung weekend.

matagal na akong naiinis, kay kris aquino, kay boy abunda, kay cristine reyes, katrina halili, sa mga gumagawa ng teleserye sa telebisyon, sa mga traffic officer sa quiapo, sa mga dumudura sa daan, sa mga foreigner pati ang mga mukhang butiki nilang pinay bride sa rob, sa mga nagpipilit magpakaemo, sa mga feeling close na tinatawag akong 'case' at sa mga taong [esp mga kamag-anak kong uhmmmm!] na feeling magaling, know-it-all, at ieexplain pa uli sau ang mga konsepto ng mga bagay na kaya naman ng intindihin ng isang kolehiyalang tulad ko. [wait, kolehiyalang tulad ko, kasi may others na pumapasok lang sa college o university para lang sa allowance, sa bf/gf, pamporma, pantakas sa bahay, at others din na nasa college/university buong buhay nila dahil hindi na makalusot lusot..] hindi ko alam kung bakit kumukulimlim ang paningin ko kapag nakikita o naalala ko sila, pero kung hahalukayin natin ang mga dahilan ay mas mahaba pa sa ninanais ko ang mangyayari sa entry na ito.

nabigla ako sa sarili ko ng bigla ko na lang nasabi "po**! ipokrita, ibalik niyo muna ung luisita!" habang pinalalabas ang ads ni kris aquino for xmas. maging ang nanay ko, napatingin sa akin at natitiyak kong kinabahan siya ng mrinig niya sa akin iyon dahil nagtunog aktibista ako. kaya noong makita ko ung feature sa isang showbiz news na dinemanda na daw ang batang aktor ukol sa panghihipo daw nito, ay talagang pumutok ang galit ko. nakakatawa [darkly] na umaasa pa pala ang mga tao sa system of justice natin, na pinangarap ko dating maging isang abogado at inamahe ko ang sarili ko bilang si miriam defensor santiago --with the hair and everything[ewan, pero idol ko siya eh..noon...hanggang ngayon? ewan]. mas nanaisin ko na ngayong maging mediko, dahil alam kong, ang talino't kakayahan ko ay may matutulungan ako at hindi na kailangan ng mahaba habang lakaran ng papel dokumento pera suhol at koneksyon tulad ng nakagawian na sa karera ng batas [pero hindi sa hinuhugasan ko ang kamay ng medicine, pero pagdating sa bureaucracy, mas flexible ang sa medicine, tas hello, kung nagkataon sa lrt may inatake o kaya nanganak? anong gagawin ng lawyer? iterate ang mga rules and regulations ng batas, civil code, at ang mga karampatang parusa sa mga sumusuway sa batas? at least ang doktor, puede siyang makatulong]. wala naman ng saysay ang batas ngayon. its empty, a title of great authority but nothing of real purpose.

hindi na ako magtataka na sa mga susunod na dekada ay maging totally normless country ang Pilipinas. patayan for money, the concept of trust, morality, humanity forever lost. hindi na rin siguro tayo maisasalba ng ating pananampalataya. dahil tanggapin man natin o hinde, kinakwartahan na rin tayo na relihiyon.

pasensyahan na lang sa panlalahat ko nguni't sa mga ganitong usapin na kasama ang relihiyon, mas nanaisin kong mgpakadiplomatic [pwede ring vague] para na rin maisip niyo kung ang relihiyon niyo ba bukal ang hangarin, at walang nakakakabit na kung anu pa man ekek.

napaka ironic dahil lagi kong nakikita ang doj at supreme court. ironic kasi sa proximity nito sa aming campus ay dapat nadarama ko ang presence nila. pero hindi dahil mas nararamdaman ko ang presensya ng kanilang naggagaraang mga wheels.

tas eto pa, eto na talagang ikinerita ko to the highest level! si vice-president noli de castro! ang VP nating silent lang sa mga isyu! ang VP nating mas karesperespeto pa nung xay news anchor pa! asan?! asaan?!!!!! ayun, sa laban ni pacquiao! nanunuod ng laban niyang boring! ok payn, normal na para sa tin na lahat from all walks of life,[tama ba?] ay nanunuod ng laban ni pacman, pero, grabe naman kasi, priority naman jan! as in alam mo un Kabayan? ha?! alam mo pa ba iyon?! may prublema ang Pilipinas! maraming nagugutom! may casualties sa shoot out sa paranaque! maraming walang tirahan! maraming nakapila sa pgh! nagkakalokohan na ang mga opisyal mo at mga tao! hindi pa rin nabibigyang katarungan ang mga extrajudicial killings! hindi pa naibabalik ang lupa mula sa pagmamay-ari ng mga mongoloid na kampon ni Kris aquino! maraming pinapauwing ofw! maraming hindi natutuwa sa kalidad ng edukasyon ng pilipinas! patuloy ang pagdumi ng Manila [look at taft! kadiri!]! maraming namamatay na hindi nakakakita ng doktor, nakakatikim ng gamot bitamina! marami pa ring nakatira sa estero! marami pa rin nananamantalang jeepney dirver! madami kasong hindi pa nabibigyan ng hustisya! madaming namamatay, nasusunog, hinihold-up at nirerape!pero asan ka!? at ang iba pang mga opisyal ng Gobyerno? pinagtawanan mo pa ang pulitika sa pilipinas.

nakakahiya ka.inuna mu pa ang libangan mo kesa aksyunan ang maraming problema ng bansa mo. marami ka kasing pera, kaso kaawa awa ka pa rin, kayo ng mga alipores niyo ni Nunal... kahit gaano pa kaganda mga kurbata't saya niu, mananatili pa ring lukot at pangit ang pagmumukha niu[image pare.]


gawin niyo na lang kaya monarchy ba un? o watever, inyo na ang pilipinas! inyo na lahat kami, dignity and all that crap! tutal, pag natunaw ang yelo sa npole, tiyak na lubog ang pinas, at siyempre, ang mga maliliit at pandak na nagsusuot lang ng de takong ang siyang unang lulubog. not unless, gamitin niyang panabit sa kahoy ung ngipin niyang usli..


ahahaha-aha-ahaha.

Agaw-Pansin

nakaka-tangang isipin ang pinaggagagawa ng isang manunulat [or blogger for that matter] para mapansin ang kanyang mga entries.

actually, ang talagang nakakatanga ay ang idea na kailangan mo pang pag-isipan at bigyan ng tremendous effort ang pag-iisip upang makahatak ng manunubaybay.



una, pag-iisipan ang pamagat. hmm, ano kaya, straightforward o vague? makulit o seryoso? intimidating words, o tunog kalye? tama nga naman. nasa title kasi ang charm, kumbaga, un ung manghahatak ng mambabasa lalo na kung wala ka pang fanbase. kailangan striking! pero downfall niyan ay ang disappointments dulot ng expectations na magmumula sa impact na ginawa ng iyong pamagat.



tas susunod ung manner na pagsulat, o ung tono ba. mdrama? makulit? conyo--like you know, opposite of jologs? o jologs, tae pare, baduy nga! seryoso? o mababaw? pero depende naman iyon sa topic ng artikulo mo db? hindi mo pwedeng idaan sa tawa at punchlines ang usapin relihiyoso, at conyo-like ang mga artikulong tungkol sa buhay tulad ng sa mga ideya at pananaw nina Og Mandino[ket wala pa akong nababasang gawa niya] o ni Paulo Coelho [siya meron na akong nabasa!]. depende rin sa personalidad ng manunulat, at sa desired audience nia. lalo na ngayong ang market ay binubuo halos ng mga teens at young adults, madalas, mas striking sa kanila ang chicklits--for girls--adventures,--for boys--tas ung mga tungkol sa kolehiyo--halimbawa Kiko Machine [tnx reena!]. samu't saring tipo ng mambabasa, samu't saring tipo ng ideya, tono, istilo...
sino ba ang inaasahan kong magbabasa ng blog ko?


rereading previous blog entries.........


ano nga ba ang estilo ko?
ano ba mga topics na ibinablog ko?

masyadong seryoso para sa isang requirement
masyadong overwhelming ang ideas, kya kahit dapat journal-like lang dapat, ay nagiging [omg! mukhang sinseryoso ko na talaga ang blog ko!] outlet na ng aking mga angst [na dapat ay para sa papel ko lang]

sino na ba ang nakapagbasa ng blogs ko?
sino na ba ang naghahangad na makapagbasa ulit?



sino na ba ang natutuwa o nawiweirdohan sa takbo ng isip ko?




sino na nga ba ang fan ko?

Saturday, December 20, 2008

The Grinch

ok.pinanuod ko sa tv5 ang dr.seuss' how the grinch stole christmas. and i feel a bit smug having been able to finally watch it....

un lang.










wait.joke.there's more to that.
i really hate christmas.
katulad ni grinch, ayaw ko sa xmas.

iba kasi. i just dont feel it.
buti pa nung nasa kindergarten pa ako, at least may candies ang aking personalized red knitted socks. ung galing lang sa sari-sari store.nothing extravagant about it.pero there's something eh. adun ung idea na u r fulfilling some shallow fantasies of a five-year old kid...hindi siguro hanep ang mararamdaman, pero hanep ung idea na u did something that will be etched sa memory ng isang bata.

buti din nung nasa hs ako, at least, may distinction ung atmosphere pag decemeber, ajan ung 2 month stipend, ung xmas part na ayaw mo daw, pero excited kang mangyari, tas ung gifts. trend na nga ung magdemand ka ng gift eh kesa hintayin na lang ung ibibigay sau.

so tungkol ba ito sa gifts?
dahil walang xmas party na magrerequire sa atin na magxchange gifts?

no.
may ibang [mga] dahilan kung bakit ayaw ko ng xmas ngaun.

una.ayan ung cleaning up.ayaw kong maglinis, lalo na ung sa sala. ung divider, ung mga cd's na pupunasan, ung mga libro na iaarrange ulit.ayoko nun. mababaw, pero talagang hindi ko gusto paglinisin ako. ung pipilitin ba. nakakairita kasi alam ko kung kelan ako maglilinis. ayokong maglinis para sa benefit ng iba. usto kong maglinis para sa sarili ko. and they [pmilya] don't seem to understand it!!!!

ohwell.hindi ko naman kasi sinasabi/ineexplain.

pangalawa.nakakafrustrate parents ko.wala na silang ginawa kundi sirain araw ko. ok, so hindi na [or pa] nila ako kinukulit ukol sa aking sleeping habits. sasabihin na naman ng nanay ko, panu ka magigig doktor kung hindi mo alam alagaan ang sarili mo? so what, hindi ko naman talaga pinangarap maging doktor, pinangarap ko noon na maging yaya,. YAYA. ohwell, back to the topic. frsutrating kasi instead of letting me have the time of my life [normal convenient life in my own room, my own bed, my own time sked] kinukulit nila ako na ayusin ko kama ko, na walang makakatulog dun or whatsoever, na ayusin ko posture ko, na blahblah.. tas eto pa, bawal akong mafrustrate, mainis sa kanila, na lalong nakakafrustrate. pag ako nainis, magagalit sila. like hello! they dont let me feel, or express what i feel! kinakadena rin nila ako! e hindi naman ako mafufrustrate sa kanila kung hindi naman kafrustrate-frustrate ang actions nila db? try to reverse d situation, hinahayaan ko lang sila, so why don't they let me act as i feel!?!!!!!! pag sinubukan ko naman, sasabihin nila, sumusobra ka na ha, like hello! saan ako sumobra?! which makes it more frustrating kasi they make you feel guilty by making it look like ur disrespecting them!

grabe...overruled by emotions...moving on..


pangatlo.ang dami ko pang babasahin..sa chem, may tatlong books pa akong babasahin for chem, pero baka dalawa lang, kaso sayang naman ung isa. kaya silang tatlo na lang.tas sa bio, sa philo, sa psych....omg!!!!

pangapat! ung ipod ko!!!! hnggang imagination n lang ba? bwisit kasi ung fone ko, nawala pa.....yan tuloy, on-hold ung ipod ko.., tas ung libro ko, tas ung discoverychnnel magazines....wwwwwaaaaaaaaaaaa! ok.mababaw.pero, nakakadisappoint lang talaga, and there's nothing that infuriates me more than disappointment.

ohwell, baka meron pa, aside from disappointment.



-tbc-

Sunday, December 14, 2008

isang mensahe...

dahil wala akong means makapagsulat...
madaming gumugulo sa isipan kong mga topik na kailangan munang harapin at pakinggan..
dahil abala ako sa paghahanap kay Ivan*...
dahil iniisip ko rin kung bibilhin ko ba ang libro ni Gregory Magguire..
dahil binabasa ko pa si Silberberg
dahil ginagawa ko pa ang takdang aralin ng aking pinsan
dahil na rin sa katamaran..
sa frustration..
sa pang-aalipin ng pabugsu-bugsung damdamin
sa walang katapusang pag-iisip,
pagpapaikot-ikot ng mga salita at pangungusap sa pagnanais na may matantong natatagong mensahe..
sa walang tigil na irasyunal na kalungkutan...
at pananabik na makahiga sa aking tunay na kama...













kaya hindi muna ako magpopost ng blog.


magulo kasi utak ko, at kadalasan, ang aking mga sinulat ay nagmumukang jigsaw puzzle sa gulo.


balik na lang uli next Sat.sweet







*ivan--siya ay isang imaginary friend na mula sa libro ni Cecilia Ahern na If You Could See Me Now.

Monday, December 1, 2008

Para saan pa ang simbolo?

Sa isang bayang lugmok tulad ng Pilipinas, masarap isiping may nilalang na nakatadhanang magligtas sa atin.

Samu't saring bersyon, iba't ibang palamuti upang higit na mapamangha ang mga mambabasa sa alamat ni Bernardo Carpio. Subali't ang lahat ng mga ito ay sumesentro sa ideyang ipit sa dalawang naguumpugang bundok ang ating bida at bawat galaw nito ay nagdudulot ng malakas na lindol.

Isa sa mga bersyon ng kuwentong ito ay naganap diumano noong panahon ng mga Kastila. si bernardo, na tubong-san Mateo Rizal ay kasama sa kilusan laban sa mga Kastila, at ito ay ikinatakot ng mga Kastila dahil sa lakas na taglay ni Bernardo--lakas na maihahambing sa taglay ni Hercules--kung kaya't humingi sila ng tulong sa isang engkantado. Gumawa ng bitag ang engkantado upang papuntahin siya sa isang kuweba sa mga bundok ng Montalban gamit ang kanyang agimat. Nang pumasok si Bernardo sa loob ay agad namang nagsimulang magumpugan ang dalawang bundok na nagkulong kay Bernardo. Hindi nagawang makatakas ni Bernardo at sa bawat lindol na nararamdaman sa lugar ay dulot diumano ng pagsubok ni Bernardo na makaalis sa kuweba.

Isa rin namang bersyon--na tila tumatak bilang isang matalinghagang simbolismo sa buhay ng mga Pilipino--ay pagkakagapos nito sa mga kadena kung kaya't hindi ito makaalis. Nabanggit ni Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo na kapag tuluyan ng nakalaya mula sa pagkakagapos sa kadena si Bernardo ay makakalaya na rin ang mga Pilipino mula sa opresyon.

Ginamit man bilang isang simbolo ng kalayaan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas si Bernardo Carpio, ay tila buhay pa rin sa mga Pilipino ang diwa nito. Ang ating ngayong Bernardo Carpio ay hindi na simbolo ng kalayaan laban sa mga Kastila kundi ng kalayaan mula sa ating sariling nagdirilim na kapalaran.

Subalit gaano man kasarap ang ideyang may natatago pa tayong pag-asa, minsa'y nakaka-umay na rin. Hindi ko na nga malaman kung tayo ba ang pinalalakas ang loob ni Bernardo o ang ating desperasyong may mapanghawakan tayong haligi sa panaho n ngayon ng krisis ay ang siyang bumubuhay sa diwa ng sinisimbolo ni Bernardo.

hindi ko nais pairalin muli ang aking pesimismo ukol sa kapalaran ng ating bansa, nguni't bilang pagtatapos sa artikulong ito, nais ko na lamang kayong iwan ng katanungan

isang simbolo ba ang kailangan natin upang makaramdam ng pag-asa?
ilang simbolo ba ang kakailanganin natin upang mapagpasiyahang tama na, oras na?
at higit sa lahat, tayo ba ay binubuhay ng kung anong matalinghagangsimbolo, o tayo ang magiging simbolo ng muling pagkabuhay ng ating bansa?





Lavarias, Alyssa Katrina
2008-63028
University of the Philippines-Manila
College of Public Health
BSPH, Blk 22

Sunday, November 30, 2008

Isang dekadang may pitong sobra

Nalalapit na ang aking kaarawan, ngunit mas nanaisin kong isiping anibersaryo iyon ng aking kamatayan.

Sabihin na nating bago pa man ako nabuo sa sinapupunan ng aking ina, ay mas malaya ako. Ako ang lahat ng puwede sa universe, at mas madaling paniwalaan iyon, dahil hindi ako limitado ng mundo. I am everything one can imagine, because basically, I wasn’t yet conceived, therefore no chance of being a definite individual.

Nabuo ako, at sa sandaling nangyari iyon ay naigapos na ako sa selda ng limitasyong dulot ng konsepto ng genes at heredity. Kung anong meron sila ay siya na lamang posibleng maging akin. Nawalan na ako ng karapatang maging ano o sinong magustuhan kong maging, nang magkaroon na ako ng pasaporte tungo sa mundo ng eksistensya. At marahil, iyon lang talaga ang diwa ng kaarawan, ang ipagdiwang ang pagkakaroon ng existence—isang bagay na kakailanganin mo pang paghirapan para maintindihan at higit pang ikatuwa—at lahat na ay ang mga bagay na dapat ikalungkot, dahil sa bawat kaarawa’y nababawasan ang iyong kakarampot na kalayaan.

Naniniwala akong dala-dala natin sa world of existence ang ilang bahagi ng ating kalayaan mula sa world of undefined nang tayo’y isilang. Malaya tayong mabuhay kung sa anong paraan natin naisin—matulog, kumain, magbawas, umiyak—apat na bagay lamang na susustento sa ating noong konsepto ng kalayaan dahil bumabalakid sa atin ang estado ng ating intellectual development. Ngunit habang lumalawak ang ating pang-unawa at nadaragdagan ang ating nalalaman sa mundo ay dumarami rin naman ang mga kadenang kumakabit sa ating katawan. Nalalampasan natin ang hamon ng intellectual development, ngunit agad naman itong napapalitan ng hamon ng responsibility at ng propriety. Natututunan ng mga bata na may kakayahan na silang gawin ang ilang mga bagay at hindi na nila kailangan umiyak upang makakuha ng kanilang rasyon ng gatas. Unti-unti rin nilang natutunan ang pakikisalamuha, sa paglalaro at pakikipag-usap. Subalit nasa kamay rin nila ang responsibilidad sa kanilang mga gamit—laruan—sarili—self-preservation—at ang pakikipagtalastasan naman ay guwardiyado ng palatuntunan sa tamang pakikipag-usap at ng etiquette. Habang tumatanda ay lalong umiigting ang mga limitasyong ito dahil hindi na lamang ang tahanan ang pinag-uusapan ngunit ang buong society na ating ginagalawan.

Sa bawat taong lumilipas sa ating eksistensya ay nariyan ang mga balakid dulot ng lakas at kakayahang naapektuhan ng edad. Mas madaling intindihin ito kung ating ihahambing ang dalawang ito sa hugis ng isang bundok. Pinakamalakas ang isang indibidwal sa kanyang midlife. May mga natatangi na itong kakayahan na kayang suportahan ng kanyang katawan. Ang bata ay raw material pa lang at pawang lakas lamang ang nasa kanya, at ang mga matatanda naman ay puro teoretikal na ideya na lamang ang kayang gawin dahil hindi na sapat ang lakas ng kanilang katawan upang magampanan nila ang kanilang mga gawain.

Kung sa mundo ng undefined—huwag nating iconfuse ang ating sarili sa world of ideas ni Plato dahil sa undefined ay wala tayong inaasume na konkretong ayos at porma—walang epekto ang mga limitasyong ito dahil unang una, hindi rin sila definite. Nothing touches nothing. Wala tayong inaassume na porma, pagkatao, o kung ano pa man, wala tayong konsepto ng society, heredity, at malamang pati ang ideya ng oras.

Kung bakit malaking bagay ang mga kaarawan ay isang tanong na hindi ko mabibigyan ng kasagutang makasasatisfy sa kuryosidad ng iba. Subalit ito lamang ang masasabi ko, ang kaarawan ay isang okasyong gumugunita sa moment na nabigyan ka ng pagkakataong mag-exist sa mundo at mabigyan ng pagkatao. Oo nga’t nawalan ka ng maraming bagay na handog ng iyong kalayaan sa world of undefined, nguni’t nabigyan ka naman ng tsansa sa realidad. Nang mabuhay ka sa mundong ito, namatay naman ang ibang “ikaw”, ngunit magpasalamat ka at nabigyan ka rin ng distinksyon. Dahil kung ikaw ang lahat ng puwede sa undefined at kung ang lahat ng sangkatauhan ay nanggaling doon, mahihiwalay mo pa ba ang sarili mo kahit gaano ka kalaya? Mahahanap mo ba ang sarili mo sa mga katagang “everyone is everything”?




At dahil nasa world of existence na ako, kailanganin na ring mag-exist ang mga regalo. Madali lang naman akong mapasaya, dahil nais ko lamang ng libro, o kaya, one year free Starbucks Frappucino kahit grande lang.

ahahaha-aha-ahaha.

Wala akong balak papaniwalain kayo sa aking ideya ng world of undefined, dahil wala naman akong pruweba na may katotohanan ang mga ito. Ito ay bunsod lamang ng aking disgusto sa curfew—self-imposed curfew—at sa walang humpay na imahinasyon—imahinasyong minsan tumatawid na palayo sa barriers of sanity. Wow! Tunog schizophrenic ah!

Kaya kung naaawa na kayo sa isang potentially schizophrenic, bigyan niyo na ng pasaporte ang aking mga regalo..ahahaha-aha-ahaha.

trial

nahihirapan kasi akong magpost at hindi ko alam kung bakit...ito ba ay dahilan ng aking pagiging technologically-challenged? oh sadyang may problema lang talaga sa server?

nakakairita naman at hindi ko maipost ang aking post[frustrated]


wag niu na tong basahin dahil wala naman akong nais sabihin dito.

eto na lang..



maligayang disyembre!!!:D

Wednesday, November 26, 2008

Sisihang Paikot-ikot...Paulit-ulit...

A message to all commuters

To apathetic individuals who refuse to take action

And to those who deny the obvious

Naiirita ako! Sa lahat ng tao sa paligid ko, nakaharap, at kinakaharap ko! Naiirita ako sa babaing pilit na isiniksik ang sarili niya sa jeep kanina na naging dahilan ng pagkawala ng aking phone! Tama! Sinisisi ko siya kaya hindi ko makontak ang mga magulang ko para ipaalala na kelangan nang diligan ang aking atm. Sinisisi ko siya dahil kung hindi dahil sa pagsusumiksik ng kanyang matambok na puwet sa upuang okupado ko na, nasa aking maliliit na mga kamay pa rin sana ang aking unNAKAWable phone.

Sinisisi ko siya dahil [para sa akin] siya ang may kasalanan at hindi ako.

Sinisisi ko siya sa aking kawalan ng means pangkomunikasyon dahil kahibangan ang ipasa ang sisi sa sarili sa isang pangyayaring ikinakainis mo.

Sinisisi ko siya dahil masyado akong vain para sisihin ang sarili para sa kawalan ng karampatang atensyon para sa mga valuable things.

Nakakatawang isipin na ganito rin ang aking saktong nararamdaman habang nakiking sa SURVIVOR Philippines talk sa LT noong nakaraang lingo. Bwisit na bwisit ako sa dalawang panig-ang mga militante at ang gobyerno. Naiinis ako sa mga militanteng grupo dahil paulit-ulit na lang ang kanilang sinasabi, approach at estilo. Pati mukha at boses ay paulit-ulit na rin! Nakakarindi na! hindi ko na kailangan pa ng karagdagang datos para kumbinsihin ang aking sarili na wala na talagang pag-asa ang hugis-butiking bansang Pilipinas. Saludo ako sa pagsisikap nilang imulat ang nakakarami sa mga katotohanang pilit na itinatago sa atin ng nakakataas--mga katotohanang malagim, nakakabanas, nakakatanga at mga bagay-bagay na wala sa mga fairy tales na kinalakhan natin. At higit naman ang pagkairita ko sa gobyerno dahil wala na silang ginagawang tama! [kaya paulit-ulit ang mga sinasabi ng mga militanteng grupo ay dahil pare-parehas lang naman din at paulit-ulit ang mga gawain ng gobyerno.] Nakakapag-isip tuloy ako ng mga hideous ideas para itorture ang Mahiwagang Nunal Family[thanks to Kikomachine]—ung mala-SAW ba ang dating. Imagine mo na lang na sa bawat kawalanghiyaan ng Mahiwagang Nunal ay paulit-ulit ang paglubog sa kanya sa asido….nalapnos sa unang lubog tapos ilulubog pa ulit…ulit….ulit….ulit…………….

WAIT! Nakekerid away ako!

Naiinis ako sa gobyerno dahil kahit alam naman nila ang tunay na estado ng bansa, ay patuloy pa rin sila sa kanilang pambobola. Kahit na alam na nilang alam na ng mga mamamayan ang samu’t sari nilang katiwalian ay patuloy pa rin sila sa pag-arte na tila lagi silang may dadaluhang party at ang kanilang tanging pangamba ay baka hindi maayos ang kanilang make-up. Nakailang isyu na ang Mahiwagang Nunal at sa bawat isa sa mga ito, ay ipipilit nila na ang panig nila ang nagsasabi ng katotohanan at ang mga bumabatikos ang siyang mali. Minsan pa nga ay lantarang babaliktarin ang sitwasyon at ipapasa sa mga oposisyon ang sisi. Kung hindi nila mapaniwala ang bansa na inosente sila ay tatabunanan nila ito ng panibagong isyung pambansa tulad ng sa krisis sa bigas noon, hanggang sa makalimutan ang naunang kontrobersya tulad ng sinapit ng ZTE deal.

Kung sa bawat problema ng bansa ay bibigyan tayo ng isang milyon, bayad na marahil matagal na ang utang natin sa World Bank.

Nakakaasar lang dahil umaasa ako sa dalawang panig na may mabuti PA silang maidudulot. Kung babaguhin lamang nila ang kanilang distorted and prejudiced ideas, may pag-asang tayo ay umasenso at makilala muli bilang isang bansang may dangal. Pero imposible dahil ang gobyerno ay mananatili bilang siya—na ‘pag natikman ang droga ay maadik sila—at ang mga aktibista, at mga militanteng grupo na patuloy lang sa paghahanap ng butas sa administrasyon ng kung sino mang nakaupo. Paulit-ulit-ulit-ulit-ulit -ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit……

At naiinis naman din ako sa aking sarili dahil masyado kong pinaiiral ang aking pesimismo, walang bilib sa sarili..sa bayan….Wala pang phone!!! Omg!

Ngunit,kahit na alam ko naman na ang maaaring mangyari kung wala akong gagawin ngayon, ay hindi pa rin ako kumikilos. Nakakapanghina naman kasi di ba ang umasa na may pagbabago sa oras na sumali ka habang nakikita mo ang iba na masayang nagkukuwentuhan palabas ng mamahaling mga coffee shops….

Kaya tulad ng sa umpisa,..

I love myself, I am vain enough not to include myself in the equation whose only result is the downright fall of the no-longer beloved country. This country’s value would continue to wither away, and all the while, I would mourn but never blaming myself…

Hai, panibagong rason kung bakit karapat-dapat akong isama sa mga esterong kailangang pasabugin upang luminis ang syudad. Kadiri! Mas mapanghi pa ang pagkatao ko kesa sa tubig-baha sa Taft!

Sumabog ka! Sumabog ka!




Ssssssssssssssh! Boom.

madaling ibaling sa iba ang sisi lalo na kung sarili ang nadedehado. madaling paniwalaan na wala tayong kinalaman kung isa tayo sa mga nahihirapan. Tulad ng sa aking fone, sinisisi ko ang babae dahil sa kanyang pagsiksik kahit na alam kong ang kakulangan ko sa pag-iingat ang tunay na dahilan. Katulad ng sa sitwasyon ngayon sa bansa, madaling ibaling sa mga nakaupo ang sisi sa sinasapit natin. Pero nakakaligtaan na natin [umamin ka!] na may pagkakasala rin tayo. Marami akong maaring sabihing kasalanan ko kapag talagang pinag-isipan ko, at marahil, ikaw din. mag-isip ka, ano na nga ba ang mga nagawa mo para sa bansa? Nakabuti man o hindi…ano?!

Thursday, November 20, 2008

ang sampung utos ng Absolute

pipilitin kong magpakitang gilas kay prof.
kaya purong Filipino ang aking gagamitin.....





...NOT!

ayoko pang magblog. hindi dahil hindi ako marunong o wala akong means gawin iyon, pero ayoko lang talaga. Diary? Nasubukan ko na iyon...noon. Ginastusan ko pa ng sandaan ang diary notebook ko noon na de-susi na kulay fenk, na amoy Downy na cute na may glitters, na may mukha ng dalawang cute na blonde na batang lalaki at babae. hindi ko maalala ang mga sinulat ko noon. "dear Diary.." lang ata.
dahil ano naman ang maari kong isulat na world-changing article? na nag-away kami ng bestfriend ko daw? na late uli ako at kailangan kong pumunta ng library bilang parusa? na ang maingay ako at magulo kaya pinasquat ako sa ibabaw ng upuan nung Language and Spelling? na nawala ko gameboy ng kaklase ko [na mukha atang repeater dahil sa laki] kaya sabi ng advi ko na ibigay ko na lang daw ung everyday baon ko na 20pesos para pambayad kahit umokay naman na ung kaklase ko na bigyan ko na xa ng 500 na naibigay ko naman na bago pa sumawsaw ang guro ko? na......

!!!freeze!!!

iba na ngayon. kaya ko na sigurong magsulat ng may sense at point at hindi lang mga bagay na hindi ko naman kailangang isulat para maalala.
pero hindi iyon sapat na dahilan para gustuhin kong magblog....dahil may iba na rin akong rason.

para sa mga hindi nakapagbasa ng aking first ever blog na "why i refuse to blog", heto... dahil alam kong nakakapagod magclick at magtype at nakakaputi ng mata ang pagload ng browser na may connection na lampas 100kbps.

why i refuse to "blog"Oct 31, '08 7:10 AM
for everyone
theft...
infringement...
confused originality...

well, im not saying, my craft is worth the trouble..
im not even suggesting that someone would be fascinated enough to do that.
as of now, the blood of the hidden poet, [or should i say ex-hidden poet?] is flowing from my veins to the paper unlucky enough to be messed upon with my blood.

ok that was emo.

anyway. my point is, i'm not yet ready to launch my writing career [if ever i have] to the scrunity-filled world.im still polishing my grammar [so if ever u find one in here, i guess this explains it], and yes, im still looking for my own voice. my works are so much influenced by the voices of the literary works i read.try as i might, i cant totally erase the "aura" of the previous book or poem or essay from my head that when i begin to write, there's too much of that aura in my work, that it is hardly me working on it. i like it when i'm uncomfortably filled with emotion. it's cliche, but i write better [without any influence by any writer] when i try working with emotion. it helps that im moody, i get different tones of prose and poetry with mood swings.

in short, i'm still looking [or waiting or working] for my originality.
this is why i refuse to "blog". you wont hear me if i do now..eventually, i'll let you know.

till then....


hindi ko alam kung bakit ako ngayon nagbablog, at hindi ko alam kung sinong manunulat ang sumanib sa akin para makalikha ako ng ganito. Bob Ong? woah! sosyal!
nalulunod lang siguro ko sa 1.5 litrong tubig para sa aking water therapy kaya naisipan ko kahit wala naman kahit anong relasyon sa buong artikulo, na bigyan ito ng title na "sampung utos ng Absolute."

pero dahil sa rekwayrd ito sa Kom 2, pipilitin ko ang sarili ko na magblog. whopz! alam ko ang nasa isip mo ngayon at.....Tama ka!TAMA! ginagawa ko ito dahil sa grado! tandaan! nagbablog ako dahil sa grado! iyon at iyon lang ang nakikita kong motibasyon NGAYON kung kaya ko ito ginagawa! ayokong maging diplomatic at malamang ayoko ring maging ipokrito. sino ba naman kasi ang matutuwa sa pagbabasa ng mga isinulat ng isang taong wala namang sariling boses at nanghihiram lang ng aura ng iba? hindi lang kayo ang pinapaikot ko dahil maging ako ay maloloko ko na nakapaglalathala ako ng disenteng artikulo.

kung ikaw na nagbabasa ngayon ay nakapagbasa na ng aking mga gawa noong primitibo pa lang aking gamit [bolpen at papel] ay napahanga ko, ahahaha-aha-ahaha. wala lang. salamat at kahit papano, nasusuklian ang aking eport. pero ayoko mang gawin, kailangan ko iyong bawiin, dahil hindi naman ako ang tunay na hinahangaan mo kundi ang otor na nakopya ko.

ouch. ang sakit. Cheater na pala ako, hindi ko pa alam. natatakot akong ilathala ang blog na ito dahil alam ko, mawawalan ako ng kredibilidad bilang manunulat. hindi ko naman sinasabi na malaki ang aking fan base nguni't, paguguhuin ko ang aking sariling entablado--ang entabladong pinaniwalaan kong ako'y naging bida at namayagpag.

siguro, bilang isang nagmamalasakit ay ipagtatanggol mo ako mula sa aking sariling pesimismo. Malamang ay sasabihin mong, "hindi, everyone is unique..is different." o kaya, kung medyo weepee ka, "OA mo naman! wala ka kayang katulad magsulat!" Maraming salamat na lang pero, hahayaan ko ang sarili kong magmukmok.

ang tanging konsolasyon ko na lang ay, marahil sa mga nakokopya ko ay natututo ako at nadedevelop ang aking literary skills. mas malawak na ang aking nalalamang estilo, tekniko at kung anu ano pa, kaya mas mapapadali ang pagkokolaboreyt at pagmanipula sa mga salita at ideya. [at habang binabasa ko ito ay tumitibay ang tiwala ko sa konsolasyon kong ito, nguni't naiisip ko rin ang aking katanungan sa Philo1--makikilala ko ba ang sarili ko na hindi humihiram na deskripsyon ng iba?]


paumanhin kung magulo.kung walang saysay at nakapanglulumo.
paumanhin sa aking mga pans! hayaan niyo! bubuhayin ko uli kau sa aking imahinasyon!
pasensyahan na lang sa mga nakopya kong otor, sa mga nabasa kong libro niyo at binabalak kong basahin!
pasensya sa mga taong umaasa sa aking kakayahan.......[kung mayroon]
pasensya sa mga punong pinutol para lang aksayahin ng isang katulad ko.

mabuhay kayong mga umaasa sa aking pagbagsak! heto na ang aking suicide note!
mabuhay kayong nagpupunyagi sa pagkakaalam na wala talaga akong kuwenta!
mabuhay kayong lahat na walang tiwala sa akin at kailanman hindi na magtitiwala!

palakpakan!

pasensya na sa aking sarili, dahil Sarili, ikaw ang aking pinaka nabigo. ikaw na walang hinangad kundi maitaguyod ang sarili sa mundong walang hinangad kundi gawin kang isa sa kanila. pasensya na sa mga ideyang hindi nabigyan ng pagkakataong maisilang sa mundo dahil sa takot, insecurity at kawalan ng oras.
pasensya na sa mga nasayang na oras na hindi ang iyong aura ang nararamdaman gayong salita mo ang nababasa. at higit sa lahat pasensya na dahil hindi ko alam kung maiaayos ko pa ang glitch sa ating pagkatao at kung maaayos ko na ang iyong vocal chords.





hawak ko na ang bomba, at ang una kong pasasabugin ay hindi ang esterong iniisip kong puno na ng kabulukan. hawak ko ang bomba at ang una kong pasasabugin ay.....

...


..


.
!BOOM!





ang sarili ko.