A message to all commuters
To apathetic individuals who refuse to take action
And to those who deny the obvious
Naiirita ako! Sa lahat ng tao sa paligid ko, nakaharap, at kinakaharap ko! Naiirita ako sa babaing pilit na isiniksik ang sarili niya sa jeep kanina na naging dahilan ng pagkawala ng aking phone! Tama! Sinisisi ko siya kaya hindi ko makontak ang mga magulang ko para ipaalala na kelangan nang diligan ang aking atm. Sinisisi ko siya dahil kung hindi dahil sa pagsusumiksik ng kanyang matambok na puwet sa upuang okupado ko na, nasa aking maliliit na mga kamay pa rin sana ang aking unNAKAWable phone.
Sinisisi ko siya dahil [para sa akin] siya ang may kasalanan at hindi ako.
Sinisisi ko siya sa aking kawalan ng means pangkomunikasyon dahil kahibangan ang ipasa ang sisi sa sarili sa isang pangyayaring ikinakainis mo.
Sinisisi ko siya dahil masyado akong vain para sisihin ang sarili para sa kawalan ng karampatang atensyon para sa mga valuable things.
Nakakatawang isipin na ganito rin ang aking saktong nararamdaman habang nakiking sa SURVIVOR
WAIT! Nakekerid away ako!
Naiinis ako sa gobyerno dahil kahit alam naman nila ang tunay na estado ng bansa, ay patuloy pa rin sila sa kanilang pambobola. Kahit na alam na nilang alam na ng mga mamamayan ang samu’t sari nilang katiwalian ay patuloy pa rin sila sa pag-arte na tila lagi silang may dadaluhang party at ang kanilang tanging pangamba ay baka hindi maayos ang kanilang make-up. Nakailang isyu na ang Mahiwagang Nunal at sa bawat isa sa mga ito, ay ipipilit nila na ang panig nila ang nagsasabi ng katotohanan at ang mga bumabatikos ang siyang
Kung sa bawat problema ng bansa ay bibigyan tayo ng isang milyon, bayad na marahil matagal na ang utang natin sa World Bank.
Nakakaasar lang dahil umaasa ako sa dalawang panig na may mabuti PA silang maidudulot. Kung babaguhin lamang nila ang kanilang distorted and prejudiced ideas, may pag-asang tayo ay umasenso at makilala muli bilang isang bansang may dangal. Pero imposible dahil ang gobyerno ay mananatili bilang siya—na ‘pag natikman ang droga ay maadik sila—at ang mga aktibista, at mga militanteng grupo na patuloy lang sa paghahanap ng butas sa administrasyon ng kung sino mang nakaupo. Paulit-ulit-ulit-ulit-ulit -ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit……
At naiinis naman din ako sa aking sarili dahil masyado kong pinaiiral ang aking pesimismo, walang bilib sa sarili..sa bayan….Wala pang phone!!! Omg!
Ngunit,kahit na alam ko naman na ang maaaring mangyari kung wala akong gagawin ngayon, ay hindi pa rin ako kumikilos. Nakakapanghina naman kasi di ba ang umasa na may pagbabago sa oras na sumali ka habang nakikita mo ang iba na masayang nagkukuwentuhan palabas ng mamahaling mga coffee shops….
Kaya tulad ng sa umpisa,..
I love myself, I am vain enough not to include myself in the equation whose only result is the downright fall of the no-longer beloved country. This country’s value would continue to wither away, and all the while, I would mourn but never blaming myself…
Hai, panibagong rason kung bakit karapat-dapat akong isama sa mga esterong kailangang pasabugin upang luminis ang syudad. Kadiri! Mas mapanghi pa ang pagkatao ko kesa sa tubig-baha sa Taft!
Sumabog ka! Sumabog ka!
Ssssssssssssssh! Boom.
madaling ibaling sa iba ang sisi lalo na kung sarili ang nadedehado. madaling paniwalaan na wala tayong kinalaman kung isa tayo sa mga nahihirapan. Tulad ng sa aking fone, sinisisi ko ang babae dahil sa kanyang pagsiksik kahit na alam kong ang kakulangan ko sa pag-iingat ang tunay na dahilan. Katulad ng sa sitwasyon ngayon sa bansa, madaling ibaling sa mga nakaupo ang sisi sa sinasapit natin. Pero nakakaligtaan na natin [umamin ka!] na may pagkakasala rin tayo. Marami akong maaring sabihing kasalanan ko kapag talagang pinag-isipan ko, at marahil, ikaw din. mag-isip ka, ano na nga ba ang mga nagawa mo para sa bansa? Nakabuti man o hindi…ano?!
No comments:
Post a Comment