Nalalapit na ang aking kaarawan, ngunit mas nanaisin kong isiping anibersaryo iyon ng aking kamatayan.
Sabihin na nating bago pa man ako nabuo sa sinapupunan ng aking ina, ay mas malaya ako. Ako ang lahat ng puwede sa universe, at mas madaling paniwalaan iyon, dahil hindi ako limitado ng mundo. I am everything one can imagine, because basically, I wasn’t yet conceived, therefore no chance of being a definite individual.
Nabuo ako, at sa sandaling nangyari iyon ay naigapos na ako sa selda ng limitasyong dulot ng konsepto ng genes at heredity. Kung anong meron sila ay siya na lamang posibleng maging akin. Nawalan na ako ng karapatang maging ano o sinong magustuhan kong maging, nang magkaroon na ako ng pasaporte tungo sa mundo ng eksistensya. At marahil, iyon lang talaga ang diwa ng kaarawan, ang ipagdiwang ang pagkakaroon ng existence—isang bagay na kakailanganin mo pang paghirapan para maintindihan at higit pang ikatuwa—at lahat na ay ang mga bagay na dapat ikalungkot, dahil sa bawat kaarawa’y nababawasan ang iyong kakarampot na kalayaan.
Naniniwala akong dala-dala natin sa world of existence ang ilang bahagi ng ating kalayaan mula sa world of undefined nang tayo’y isilang. Malaya tayong mabuhay kung sa anong paraan natin naisin—matulog, kumain, magbawas, umiyak—apat na bagay lamang na susustento sa ating noong konsepto ng kalayaan dahil bumabalakid sa atin ang estado ng ating intellectual development. Ngunit habang lumalawak ang ating pang-unawa at nadaragdagan ang ating nalalaman sa mundo ay dumarami rin naman ang mga kadenang kumakabit sa ating katawan. Nalalampasan natin ang hamon ng intellectual development, ngunit agad naman itong napapalitan ng hamon ng responsibility at ng propriety. Natututunan ng mga bata na may kakayahan na silang gawin ang ilang mga bagay at hindi na nila kailangan umiyak upang makakuha ng kanilang rasyon ng gatas. Unti-unti rin nilang natutunan ang pakikisalamuha, sa paglalaro at pakikipag-usap. Subalit nasa kamay rin nila ang responsibilidad sa kanilang mga gamit—laruan—sarili—self-preservation—at ang pakikipagtalastasan naman ay guwardiyado ng palatuntunan sa tamang pakikipag-usap at ng etiquette. Habang tumatanda ay lalong umiigting ang mga limitasyong ito dahil hindi na lamang ang tahanan ang pinag-uusapan ngunit ang buong society na ating ginagalawan.
Sa bawat taong lumilipas sa ating eksistensya ay nariyan ang mga balakid dulot ng lakas at kakayahang naapektuhan ng edad. Mas madaling intindihin ito kung ating ihahambing ang dalawang ito sa hugis ng isang bundok. Pinakamalakas ang isang indibidwal sa kanyang midlife. May mga natatangi na itong kakayahan na kayang suportahan ng kanyang katawan. Ang bata ay raw material pa lang at pawang lakas lamang ang nasa kanya, at ang mga matatanda naman ay puro teoretikal na ideya na lamang ang kayang gawin dahil hindi na sapat ang lakas ng kanilang katawan upang magampanan nila ang kanilang mga gawain.
Kung sa mundo ng undefined—huwag nating iconfuse ang ating sarili sa world of ideas ni Plato dahil sa undefined ay wala tayong inaasume na konkretong ayos at porma—walang epekto ang mga limitasyong ito dahil unang una, hindi rin sila definite. Nothing touches nothing. Wala tayong inaassume na porma, pagkatao, o kung ano pa man, wala tayong konsepto ng society, heredity, at malamang pati ang ideya ng oras.
Kung bakit malaking bagay ang mga kaarawan ay isang tanong na hindi ko mabibigyan ng kasagutang makasasatisfy sa kuryosidad ng iba. Subalit ito lamang ang masasabi ko, ang kaarawan ay isang okasyong gumugunita sa moment na nabigyan ka ng pagkakataong mag-exist sa mundo at mabigyan ng pagkatao. Oo nga’t nawalan ka ng maraming bagay na handog ng iyong kalayaan sa world of undefined, nguni’t nabigyan ka naman ng tsansa sa realidad. Nang mabuhay ka sa mundong ito, namatay naman ang ibang “ikaw”, ngunit magpasalamat ka at nabigyan ka rin ng distinksyon. Dahil kung ikaw ang lahat ng puwede sa undefined at kung ang lahat ng sangkatauhan ay nanggaling doon, mahihiwalay mo pa ba ang sarili mo kahit gaano ka kalaya? Mahahanap mo ba ang sarili mo sa mga katagang “everyone is everything”?
At dahil nasa world of existence na ako, kailanganin na ring mag-exist ang mga regalo. Madali lang naman akong mapasaya, dahil nais ko lamang ng libro, o kaya, one year free Starbucks Frappucino kahit grande lang.
ahahaha-aha-ahaha.
Wala akong balak papaniwalain kayo sa aking ideya ng world of undefined, dahil wala naman akong pruweba na may katotohanan ang mga ito. Ito ay bunsod lamang ng aking disgusto sa curfew—self-imposed curfew—at sa walang humpay na imahinasyon—imahinasyong minsan tumatawid na palayo sa barriers of sanity. Wow! Tunog schizophrenic ah!
Kaya kung naaawa na kayo sa isang potentially schizophrenic, bigyan niyo na ng pasaporte ang aking mga regalo..ahahaha-aha-ahaha.
No comments:
Post a Comment