Wednesday, December 31, 2008

New Year, Old Worries, Same Same

Dahil lumaki ako sa panahong ABS-CBN at GMA lang ang katuwang ng aking mga magulang sa paghubog ng aking katinuan [at kahibangan], aking ding malamang nakuha ang nakagawiang Holiday features sa kanilang mga programa.
set...1...2...3....ACTION!


dahil na rin sa paniniwala kong makakaya kong gawin ang mga takdang aralin sa halos tatlong linggong bakasyon kung kaya't [ok, it's my favorite word now] I procrastinated! wala akong kapita-pitagang nagawa sa mga linggong nagdaan. dinala ko pa man din ang aking mga abubot, mga libro at papel, umaasa na sana ay hihilain ng mga ito akong buklatin sila at pag-aralan. Ngunit hindi, hindi ako pinayagan ng aking laptop ng gawin ang aking mga responsibilidad bilang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas

Laptop.. ang pinakamalaking balakid sa aking inaasam-asam na matinong buhay estudyante. Ni hindi ko magawang hindi ito buksan kahit isang araw man lang. Ginagawa ko na itong music player, dvd player, diary notebook, downloader, gah! pati panguha ng pictures at pagbabasa ng mga piniratang libro!

libro. sa totoo lang, apat na libro lang naman ang paulit-ulit kong basahin...ang Twilight series. Para sa akin, hindi talaga ito ang pinakapaborito kong libro, hindi ito ang pinaka-magnificent na kwento, hindi ito ang pinaka-orihinal, hindi rin pinaka-nakakaantig. Wala ito sa magic ng Harry Potter, sa romantic comedy ng Pride and Prejudice, nguni't hindi ko pa rin matanto kung ano nga ba ang talagang nakapanghihila sa akin para ulit-ulitin ito [ count: 14 times since sembreak]. marahil ay sa characters nito, dahil lahat sila ay lovable for me, at ang pagiging direct ng kwento. walang overwhelming words, ideas, and concepts. the whole story is not [totally] original, but the manner in which it was written made it so for me.

commercial....
..pinagbigyan muli ako ng aking mother-dear sa isang boteng Vodka: Mudshake. hindi ko talaga maatim kung bakit ayaw nilang buksan ang white or red wine.
..ito ang hindi ko rin maintindihan, laging 5-10 minutes ahead ang pagpapaputok namin ng lusis at ng fountain [angtanging paputoks na binibili namin.]
..hindi ko rin magets kung talagang masaya ba talaga ang mga tao rito sa pagdating ng new year o iniisip nilang dapat sila ay maging masaya dahil new year. [hindi ba dapat, genuine ung feeling?] mukha kasing on-and-off ang nangyayari, bukas,naka off na, as in wala na... gets???
..Scripted. dapat spontaneous ang celebration di ba? bakit parang choreographed???

on air in...5...4...3...2...1

tapos na ang putukan, buo pa ba ang kamay ko?

siyempre naman, hindi naman ako humawak ng paputok ngaun eh.


hindi ko maarok [tama ba] kung bakit andaming ginagawang ekek ang aking nanay pagdating ng New Year. ajan ang luto luto ng mga pagkaing hindi nawawala pagdating ng handaan--spageti at salad. isama na rin ang goto. ajan rin ang 12 fruits at ang keso de bola at ham na talagang hindi ginalaw. ang Coke at ang Dunkin donuts [actually, pag ako pinapili, kukunin ko Mister Donut]. Ajan rin ang pagbubukas ng lahat ng ilaw at ng pintuan. over the years, dumarami pa ang mga add-ons sa traditional Lavarias New Year. this year, insenso.

waw.pare.bigat. napataas kilay ko nang makita ko ung lutuan na umuusok. akala ko nga katol ung nilagay dun eh, iyon pala, insenso. naku, pinipilit talaga ng nanay ko ang Chinese thingies...

upnext! ang totoong isyu sa totoong segment ng joketime na artikulo. [break]


Dahil sa hindi ako nakapag-unli sa panahon ng holidays kung kayat dito ko na lang idadaan ang aking mga pagbati...
...ang 2008, dahil na rin sa dito ang aking pagtatapos bilang hiskul, ay naging panahon ng pagmove-on at hiwalayan, ng magkakaibigan, ng mga may hidwaan. pinatibay tayo at pinarealize sa atin ang halaga ng ating mga kaibigan sa atin....
...Ngunit, naging panahon din ito ng pagkilala sa mga bagong karakter sa ating storya. sa pagpasok natin sa ating mga bagong buhay bilang mga kolehiyala at kolehiyolo, nakikilala natin ang mga bagong kaibigan at kakasamahin sa panibagong tatahaking mga balakid.
...at sa pagpasok ng 2009,
lets continue life, live it the way we want it, the way we ought to be.
live to no one's expectations but yours
and live for no reason but to live.
...lets continue making new friends... strenghthen the old ones, furbishe everything with moments.
...so lahat, Happy New Year, Happy New Day....
i mis u mudras and sdf! [ok feeling ata ako dun, wtv!]!

--isang mensahe mula sa inyong blogger, AlyssaKatrinaLavarias
set in 3..2..1...
[cue: Dario Marianelli's Dawn...]

ito na marahil ang pinakamatagal kong ginawang entry, hindi dahil nahihikahos ako sa salita, kundi dahil hindi ako totally focused sa ginagawa ko.

sa mga segundong ito, tatlong oras, matapos kung isulat ang pamagat, ay hindi ko na talaga maisip ang eksaktong topic na aking sanang sasabihin. Mapapansin din ang pabagu-bagong moda ng 'pananalita' ko rito.

Dahil sa aking [faulty] pananaw, ang new year ay ginawa lamang bilang palatandaan o marker ng gradual na paglipas ng oras. inadornohan lamang ito ng kung anu anong klase ng pagsalubong at paggunita. ang oras dapat ay continuous at hindi segmented. pero dahil sa mga tradisyon ng tao, ang pagsapit ng bagong taon ay nangangahulugan ng bagong buhay, bagong pag-asa, bagong pagkakataon upang gawin ang mga dapat gawin.


ang hindi nila alam [ o napagtatanto] ordinaryong araw lang ito, nguni't lahat ng palamuting iginawad sa unang araw ng enero ay maaari nating gawin o sa kahit na anong araw sa buong taon.

New Year, Old Worries, Same Same...
Dahil i refuse to celebrate New Year, [refuse as in hindi ko i treat as a special day] malamang ay wala ring special na mangyayari sa buong taon. [joke lang] ang ibig kong sabihin, hindi ko iiwan sa mundo ni 2008 ang mga worries, hinanakit, responsibilidad, at mga pangarap. hindi ako magsisimula ng bagong buhay sa mundo ni 2009. wala akong gagawing flashback at evaluation ko sa nakaraan, hindi rin ako gagawa ng New Year's resolution, hindi ako gagawa ng bagong goals...

dahil lahat ng gagawin ko sa taong ito ay pagpapatuloy lamang ng aking sinimulan sa mga nagdaan panahon. i'd let my worries live with me hanggang sa sila'y mawala ng kusa, hanggang magkaroon ako ng rason upang hindi na mag-alala. hindi rin naman magiging patas sa aking sarili kung kakalimutan ko ang mga hinanakit na aking tinamo sa nakalipas nang hindi man lamang sila nareresolba at nabigyang hustisya [what i mean is, majustify kung dapat pa ba akong magtampo o hindi na]. hindi ko babaguhin ang perception ko sa mundo dahil lamang sa nagpalit na ng taon. dahil ang oras ay patuloy lamang sa pag-inog. walang katapusan, walang segmento. dadalhin ko sa 2009 ang lahat dahil naniniwala ako na lahat ng aking gagawin ay makakatagpo ng kanilang sariling New Year o turning point. ang worries ay magnunewyear kapag wala na akong dahilang mag-alala sa parehas na bagay, ang hinanakit ay kung hindi na ako nasasaktan, ang goals ay kung nakamit ko na iyon kahit hindi sa enero-uno....

wala akong dahilang magnewyear, may dahilan ako para sa new day, sa new hour, sa new minute. pwede akong magpapaputok sa ngayon at sabihing Happy New Day! o Happy New Second. itutuloy ko ang aking sinimulan, nguni't pipilitin kong mag bagong buhay sa bawat bagong segundo....

Wednesday, December 24, 2008

[mga]Rason Kung Bakit Minsan Mas Nanaisin Kong Hindi Ko Sila Kaibigan

learn to laugh at yourself sabi niya, sumagot naman ako't sinabing, i laugh at myself, pero alam kong nagiging defensive ako ng mga oras na iyon.

i'm being stupid most of the time, kadalasan, sadya, minsan-minsan, hindi ko lang talaga maiwasang magpakabobo. nakakapagsasabi din ako ng mga bagay-bagay, opinyong nag-iiwan ng bakas ng masidhing emosyon at reaksyon, na sa susunod na minuto ay maaring hindi ko na rin paniwalaan. napakainconsistent mo sabi naman ng isa, sabi ko naman, i am constantly changing, pero defensive nanaman siguro ako ng mga segundong nabanggit ko iyon, pero baka rin hindi dahil sabay ng ideyang hindi ako constant, ay ang ideyang, sa pabagu-bagong trends ngayon, at sa aking obsesyong hindi sumabay sa agos kung kaya't i'm constantly agitated. irrational, sabi ng kanilang mga titig sa akin, mga glances at reaksyon sa aking mga reaksyon. hindi ko sila masisisi dahil, may bahid nga naman ng irrationality ang aking mga kilos. ang hindi nila alam, ang rationality at pagiging lohikal, ay dumarating kapag tapos na ang eksena, at tanging ako lang ang nakararanas ng parusa nito. double dead nga ako eh, dahil nahusgahan na ako, tas huhusgahan ko pa ulit ang sarili ko.

panghuhusga. hindi ko alam pero talagang nerita ako pag hinushugahan na ako. sino namang hindi db? hinatulan ka na nang hindi man lamang iiniintindi ang rason sa likod ng krimen. nguni't minsan, mas nakapanghihina pa rin ang assumption, o ang pagpredict nila sa aking mga gagawin, sasabihin, iisipin. lalo na nung minsan, sa isang activity pangintindi sa personalidad sa isang panghapong asignatura, sabi nung isa, ai naku, alam ko magiging sagot mo. hindi ko alam ang isinagot ko sa kanya pero naalala ko kung ano ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon--inis beyond reason. iniisip kaya niya na pipiliin ko ang mas nararapat o diplomatic na sagot kesa sa choice na mas applicable sa akin? ganoon ba kababa tingin niya sa akin? alam niya ang sagot ko dahil nag-assume na siya na ganoon nga ako magreact, i feel judged naman sa sinabi niya. double dead uli.

siguro, irrational disgust nanaman ito, dahil pwedeng ginagawa nila ang kanilang personality predictions dahil kilala o sinusubukan nila akong kilalanin at hindi nila ginagawa iyon bilang prelude o kaya naman dressing sa kanilang immature judgment.

napapadalas na rin ang aking pananahimik. kadalasan, iniisip nila na nag-eemo ako, o galit ako sa kanila. noong nakaraang linggo, nakipagkita ako sa tatay ko sa mall, pagalis niya, hinahanap ko sila, pumunta akong Toys R Us, dahil un ang sinabi nilang lugar. wala sila doon, kaya hinanap ko sila sa mall. worried kasi akong sabihin nilang ininjan ko sila, nung malapit na ang susunod kong subj, pumunta na lang ako ng sa room namin, at expressionless, nakita ko sila, tahimik lang ako, masakit ang paa, hinihingal. naisip ko ngayon lang, baka mas mabilis lang talaga magwork ang aking subconscious dahil, hindi ko naman intensyong humiwalay sa kanila, hindi ko sinasadyang hindi sila pansinin.. ginagawa ko na ang mga iyon bago ko pa narealize na ginagawa ko na sila. nang medyo lumiliwanag na ang aking pagiisip, napagtanto kong tama lang pala na tumahimik ako. dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, hindi ako galit, hindi ako masaya, hindi ako malungkot. mas defined pa siguro ung betrayed feeling, pero hindi pa rin sapat ang nararamdaman kong betrayal, dahil alam kong, justified ang kanilang pagpunta na lang sa room kesa hintayin ako sa rob. so tumahimik ako.

the next day, tanong niya, galit ka pa ba sa amin, pero sabi ko, hindi naman ako nagalit. forgivable pa ang assumption na iyon dahil, sa confused ang aking feelings noong nagdaang araw, malamang, grave ang expression sa aking mukha. pero ang sinabi noong isa, or ung ginawa niya ang talagang nakakagalit. tinanong nung isa kung galit ako kahapon, sabi ko hindi, pero sabi niya, galit ka eh, hindi mo kami pinansin tapos blahblahblah. hindi na ako nagsalita dahil hindi rin naman nila ako pakikinggan. iniisip nila marahil na easily predicted ang aking reactions kaya iniisip nila na tama ang kanilang mga assumptions. hinayaan ko na lang sila at nauna na sa paglalakad. bahala sila, sila rin naman ang talo, dahil mali sila. double dead again. nag-assume sila na nagalit ako, at hinusgahan nila akong muli.

hindi ako maghuhugas kamay, madalas ko rin iyang gawin. manghusga at magpredict ng reaction ng mga kakilala ko. pero siguro, mas malakas lang ang hagupit niyan, dahil, tingin ko ay kinakadena nila ako. gumawa na sila ng isang constant na imahe ng ako sa kanilang mga isipan at ang mga pagbabagong gagawin ko sa aking sarili, pagbabago sa pag-iisip, sa perspektibo ng buhay, sa mga bagay na kinaiinisan at hindi, ay mga pagbabagong sasabihin, huhusgahan nilang mali. sa panghuhusga nila ay hindi na nila ako hinahayaang outgrow ang mga nakasanayan, magmove-on sa nakagawian, palawakin ang ang pag-iisip.



-tbc-


opcors, natutuwa ako na friends ko siya at si isa, masaya ako at may kaibigan ako...masaya ako na friends ko kayo [esp: PACKMiJK, SDF, ang mga Casins, mga blockmates ko...] pero minsan talaga, hindi ko talaga maiwasang pagisipan kung tama ba na naging kaibigan ko kayo.haha. mga BI! o ako ba BI sa inyo? anyway, mukhang tiyagaan na lang mga friends... mahaba pa pagsasamahan natin[sana..]ahahaha-aha-ahaha [sabi ni Celine, tawa daw yan ni Mariel...hmm.ohwell]



>>>upnext! The story behind ahaha-aha-ahaha!!

Sunday, December 21, 2008

One Frustrated Entry

Ito ay akin sanang ipopost sa aking blog ilang araw matapos ang laban ni pcquiao. Ngunit dahil sa ilang dahilan--katamaran, at kawalan ng means--ay hindi ko naituloy. kung kanaisnais pa rin itong basahin ay hindi ko alam. indi ko na rin alam ang aking sinulat o sinabi. **copy paste lang ito mula sa aking notepad files.



panalo na naman si pacman...
hero's welcome na naman...
sana masuspindi ang klase....
tutal nakinabang naman ang mga tycoons sa panalo niya against dela joya e

so bakit ba parang ang lungkot ng tenor ng aking mga salita ngaun?
inaantok kasi ako. tas mukhang may hangover pa ako sa inis ko nung weekend.

matagal na akong naiinis, kay kris aquino, kay boy abunda, kay cristine reyes, katrina halili, sa mga gumagawa ng teleserye sa telebisyon, sa mga traffic officer sa quiapo, sa mga dumudura sa daan, sa mga foreigner pati ang mga mukhang butiki nilang pinay bride sa rob, sa mga nagpipilit magpakaemo, sa mga feeling close na tinatawag akong 'case' at sa mga taong [esp mga kamag-anak kong uhmmmm!] na feeling magaling, know-it-all, at ieexplain pa uli sau ang mga konsepto ng mga bagay na kaya naman ng intindihin ng isang kolehiyalang tulad ko. [wait, kolehiyalang tulad ko, kasi may others na pumapasok lang sa college o university para lang sa allowance, sa bf/gf, pamporma, pantakas sa bahay, at others din na nasa college/university buong buhay nila dahil hindi na makalusot lusot..] hindi ko alam kung bakit kumukulimlim ang paningin ko kapag nakikita o naalala ko sila, pero kung hahalukayin natin ang mga dahilan ay mas mahaba pa sa ninanais ko ang mangyayari sa entry na ito.

nabigla ako sa sarili ko ng bigla ko na lang nasabi "po**! ipokrita, ibalik niyo muna ung luisita!" habang pinalalabas ang ads ni kris aquino for xmas. maging ang nanay ko, napatingin sa akin at natitiyak kong kinabahan siya ng mrinig niya sa akin iyon dahil nagtunog aktibista ako. kaya noong makita ko ung feature sa isang showbiz news na dinemanda na daw ang batang aktor ukol sa panghihipo daw nito, ay talagang pumutok ang galit ko. nakakatawa [darkly] na umaasa pa pala ang mga tao sa system of justice natin, na pinangarap ko dating maging isang abogado at inamahe ko ang sarili ko bilang si miriam defensor santiago --with the hair and everything[ewan, pero idol ko siya eh..noon...hanggang ngayon? ewan]. mas nanaisin ko na ngayong maging mediko, dahil alam kong, ang talino't kakayahan ko ay may matutulungan ako at hindi na kailangan ng mahaba habang lakaran ng papel dokumento pera suhol at koneksyon tulad ng nakagawian na sa karera ng batas [pero hindi sa hinuhugasan ko ang kamay ng medicine, pero pagdating sa bureaucracy, mas flexible ang sa medicine, tas hello, kung nagkataon sa lrt may inatake o kaya nanganak? anong gagawin ng lawyer? iterate ang mga rules and regulations ng batas, civil code, at ang mga karampatang parusa sa mga sumusuway sa batas? at least ang doktor, puede siyang makatulong]. wala naman ng saysay ang batas ngayon. its empty, a title of great authority but nothing of real purpose.

hindi na ako magtataka na sa mga susunod na dekada ay maging totally normless country ang Pilipinas. patayan for money, the concept of trust, morality, humanity forever lost. hindi na rin siguro tayo maisasalba ng ating pananampalataya. dahil tanggapin man natin o hinde, kinakwartahan na rin tayo na relihiyon.

pasensyahan na lang sa panlalahat ko nguni't sa mga ganitong usapin na kasama ang relihiyon, mas nanaisin kong mgpakadiplomatic [pwede ring vague] para na rin maisip niyo kung ang relihiyon niyo ba bukal ang hangarin, at walang nakakakabit na kung anu pa man ekek.

napaka ironic dahil lagi kong nakikita ang doj at supreme court. ironic kasi sa proximity nito sa aming campus ay dapat nadarama ko ang presence nila. pero hindi dahil mas nararamdaman ko ang presensya ng kanilang naggagaraang mga wheels.

tas eto pa, eto na talagang ikinerita ko to the highest level! si vice-president noli de castro! ang VP nating silent lang sa mga isyu! ang VP nating mas karesperespeto pa nung xay news anchor pa! asan?! asaan?!!!!! ayun, sa laban ni pacquiao! nanunuod ng laban niyang boring! ok payn, normal na para sa tin na lahat from all walks of life,[tama ba?] ay nanunuod ng laban ni pacman, pero, grabe naman kasi, priority naman jan! as in alam mo un Kabayan? ha?! alam mo pa ba iyon?! may prublema ang Pilipinas! maraming nagugutom! may casualties sa shoot out sa paranaque! maraming walang tirahan! maraming nakapila sa pgh! nagkakalokohan na ang mga opisyal mo at mga tao! hindi pa rin nabibigyang katarungan ang mga extrajudicial killings! hindi pa naibabalik ang lupa mula sa pagmamay-ari ng mga mongoloid na kampon ni Kris aquino! maraming pinapauwing ofw! maraming hindi natutuwa sa kalidad ng edukasyon ng pilipinas! patuloy ang pagdumi ng Manila [look at taft! kadiri!]! maraming namamatay na hindi nakakakita ng doktor, nakakatikim ng gamot bitamina! marami pa ring nakatira sa estero! marami pa rin nananamantalang jeepney dirver! madami kasong hindi pa nabibigyan ng hustisya! madaming namamatay, nasusunog, hinihold-up at nirerape!pero asan ka!? at ang iba pang mga opisyal ng Gobyerno? pinagtawanan mo pa ang pulitika sa pilipinas.

nakakahiya ka.inuna mu pa ang libangan mo kesa aksyunan ang maraming problema ng bansa mo. marami ka kasing pera, kaso kaawa awa ka pa rin, kayo ng mga alipores niyo ni Nunal... kahit gaano pa kaganda mga kurbata't saya niu, mananatili pa ring lukot at pangit ang pagmumukha niu[image pare.]


gawin niyo na lang kaya monarchy ba un? o watever, inyo na ang pilipinas! inyo na lahat kami, dignity and all that crap! tutal, pag natunaw ang yelo sa npole, tiyak na lubog ang pinas, at siyempre, ang mga maliliit at pandak na nagsusuot lang ng de takong ang siyang unang lulubog. not unless, gamitin niyang panabit sa kahoy ung ngipin niyang usli..


ahahaha-aha-ahaha.

Agaw-Pansin

nakaka-tangang isipin ang pinaggagagawa ng isang manunulat [or blogger for that matter] para mapansin ang kanyang mga entries.

actually, ang talagang nakakatanga ay ang idea na kailangan mo pang pag-isipan at bigyan ng tremendous effort ang pag-iisip upang makahatak ng manunubaybay.



una, pag-iisipan ang pamagat. hmm, ano kaya, straightforward o vague? makulit o seryoso? intimidating words, o tunog kalye? tama nga naman. nasa title kasi ang charm, kumbaga, un ung manghahatak ng mambabasa lalo na kung wala ka pang fanbase. kailangan striking! pero downfall niyan ay ang disappointments dulot ng expectations na magmumula sa impact na ginawa ng iyong pamagat.



tas susunod ung manner na pagsulat, o ung tono ba. mdrama? makulit? conyo--like you know, opposite of jologs? o jologs, tae pare, baduy nga! seryoso? o mababaw? pero depende naman iyon sa topic ng artikulo mo db? hindi mo pwedeng idaan sa tawa at punchlines ang usapin relihiyoso, at conyo-like ang mga artikulong tungkol sa buhay tulad ng sa mga ideya at pananaw nina Og Mandino[ket wala pa akong nababasang gawa niya] o ni Paulo Coelho [siya meron na akong nabasa!]. depende rin sa personalidad ng manunulat, at sa desired audience nia. lalo na ngayong ang market ay binubuo halos ng mga teens at young adults, madalas, mas striking sa kanila ang chicklits--for girls--adventures,--for boys--tas ung mga tungkol sa kolehiyo--halimbawa Kiko Machine [tnx reena!]. samu't saring tipo ng mambabasa, samu't saring tipo ng ideya, tono, istilo...
sino ba ang inaasahan kong magbabasa ng blog ko?


rereading previous blog entries.........


ano nga ba ang estilo ko?
ano ba mga topics na ibinablog ko?

masyadong seryoso para sa isang requirement
masyadong overwhelming ang ideas, kya kahit dapat journal-like lang dapat, ay nagiging [omg! mukhang sinseryoso ko na talaga ang blog ko!] outlet na ng aking mga angst [na dapat ay para sa papel ko lang]

sino na ba ang nakapagbasa ng blogs ko?
sino na ba ang naghahangad na makapagbasa ulit?



sino na ba ang natutuwa o nawiweirdohan sa takbo ng isip ko?




sino na nga ba ang fan ko?

Saturday, December 20, 2008

The Grinch

ok.pinanuod ko sa tv5 ang dr.seuss' how the grinch stole christmas. and i feel a bit smug having been able to finally watch it....

un lang.










wait.joke.there's more to that.
i really hate christmas.
katulad ni grinch, ayaw ko sa xmas.

iba kasi. i just dont feel it.
buti pa nung nasa kindergarten pa ako, at least may candies ang aking personalized red knitted socks. ung galing lang sa sari-sari store.nothing extravagant about it.pero there's something eh. adun ung idea na u r fulfilling some shallow fantasies of a five-year old kid...hindi siguro hanep ang mararamdaman, pero hanep ung idea na u did something that will be etched sa memory ng isang bata.

buti din nung nasa hs ako, at least, may distinction ung atmosphere pag decemeber, ajan ung 2 month stipend, ung xmas part na ayaw mo daw, pero excited kang mangyari, tas ung gifts. trend na nga ung magdemand ka ng gift eh kesa hintayin na lang ung ibibigay sau.

so tungkol ba ito sa gifts?
dahil walang xmas party na magrerequire sa atin na magxchange gifts?

no.
may ibang [mga] dahilan kung bakit ayaw ko ng xmas ngaun.

una.ayan ung cleaning up.ayaw kong maglinis, lalo na ung sa sala. ung divider, ung mga cd's na pupunasan, ung mga libro na iaarrange ulit.ayoko nun. mababaw, pero talagang hindi ko gusto paglinisin ako. ung pipilitin ba. nakakairita kasi alam ko kung kelan ako maglilinis. ayokong maglinis para sa benefit ng iba. usto kong maglinis para sa sarili ko. and they [pmilya] don't seem to understand it!!!!

ohwell.hindi ko naman kasi sinasabi/ineexplain.

pangalawa.nakakafrustrate parents ko.wala na silang ginawa kundi sirain araw ko. ok, so hindi na [or pa] nila ako kinukulit ukol sa aking sleeping habits. sasabihin na naman ng nanay ko, panu ka magigig doktor kung hindi mo alam alagaan ang sarili mo? so what, hindi ko naman talaga pinangarap maging doktor, pinangarap ko noon na maging yaya,. YAYA. ohwell, back to the topic. frsutrating kasi instead of letting me have the time of my life [normal convenient life in my own room, my own bed, my own time sked] kinukulit nila ako na ayusin ko kama ko, na walang makakatulog dun or whatsoever, na ayusin ko posture ko, na blahblah.. tas eto pa, bawal akong mafrustrate, mainis sa kanila, na lalong nakakafrustrate. pag ako nainis, magagalit sila. like hello! they dont let me feel, or express what i feel! kinakadena rin nila ako! e hindi naman ako mafufrustrate sa kanila kung hindi naman kafrustrate-frustrate ang actions nila db? try to reverse d situation, hinahayaan ko lang sila, so why don't they let me act as i feel!?!!!!!! pag sinubukan ko naman, sasabihin nila, sumusobra ka na ha, like hello! saan ako sumobra?! which makes it more frustrating kasi they make you feel guilty by making it look like ur disrespecting them!

grabe...overruled by emotions...moving on..


pangatlo.ang dami ko pang babasahin..sa chem, may tatlong books pa akong babasahin for chem, pero baka dalawa lang, kaso sayang naman ung isa. kaya silang tatlo na lang.tas sa bio, sa philo, sa psych....omg!!!!

pangapat! ung ipod ko!!!! hnggang imagination n lang ba? bwisit kasi ung fone ko, nawala pa.....yan tuloy, on-hold ung ipod ko.., tas ung libro ko, tas ung discoverychnnel magazines....wwwwwaaaaaaaaaaaa! ok.mababaw.pero, nakakadisappoint lang talaga, and there's nothing that infuriates me more than disappointment.

ohwell, baka meron pa, aside from disappointment.



-tbc-

Sunday, December 14, 2008

isang mensahe...

dahil wala akong means makapagsulat...
madaming gumugulo sa isipan kong mga topik na kailangan munang harapin at pakinggan..
dahil abala ako sa paghahanap kay Ivan*...
dahil iniisip ko rin kung bibilhin ko ba ang libro ni Gregory Magguire..
dahil binabasa ko pa si Silberberg
dahil ginagawa ko pa ang takdang aralin ng aking pinsan
dahil na rin sa katamaran..
sa frustration..
sa pang-aalipin ng pabugsu-bugsung damdamin
sa walang katapusang pag-iisip,
pagpapaikot-ikot ng mga salita at pangungusap sa pagnanais na may matantong natatagong mensahe..
sa walang tigil na irasyunal na kalungkutan...
at pananabik na makahiga sa aking tunay na kama...













kaya hindi muna ako magpopost ng blog.


magulo kasi utak ko, at kadalasan, ang aking mga sinulat ay nagmumukang jigsaw puzzle sa gulo.


balik na lang uli next Sat.sweet







*ivan--siya ay isang imaginary friend na mula sa libro ni Cecilia Ahern na If You Could See Me Now.

Monday, December 1, 2008

Para saan pa ang simbolo?

Sa isang bayang lugmok tulad ng Pilipinas, masarap isiping may nilalang na nakatadhanang magligtas sa atin.

Samu't saring bersyon, iba't ibang palamuti upang higit na mapamangha ang mga mambabasa sa alamat ni Bernardo Carpio. Subali't ang lahat ng mga ito ay sumesentro sa ideyang ipit sa dalawang naguumpugang bundok ang ating bida at bawat galaw nito ay nagdudulot ng malakas na lindol.

Isa sa mga bersyon ng kuwentong ito ay naganap diumano noong panahon ng mga Kastila. si bernardo, na tubong-san Mateo Rizal ay kasama sa kilusan laban sa mga Kastila, at ito ay ikinatakot ng mga Kastila dahil sa lakas na taglay ni Bernardo--lakas na maihahambing sa taglay ni Hercules--kung kaya't humingi sila ng tulong sa isang engkantado. Gumawa ng bitag ang engkantado upang papuntahin siya sa isang kuweba sa mga bundok ng Montalban gamit ang kanyang agimat. Nang pumasok si Bernardo sa loob ay agad namang nagsimulang magumpugan ang dalawang bundok na nagkulong kay Bernardo. Hindi nagawang makatakas ni Bernardo at sa bawat lindol na nararamdaman sa lugar ay dulot diumano ng pagsubok ni Bernardo na makaalis sa kuweba.

Isa rin namang bersyon--na tila tumatak bilang isang matalinghagang simbolismo sa buhay ng mga Pilipino--ay pagkakagapos nito sa mga kadena kung kaya't hindi ito makaalis. Nabanggit ni Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo na kapag tuluyan ng nakalaya mula sa pagkakagapos sa kadena si Bernardo ay makakalaya na rin ang mga Pilipino mula sa opresyon.

Ginamit man bilang isang simbolo ng kalayaan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas si Bernardo Carpio, ay tila buhay pa rin sa mga Pilipino ang diwa nito. Ang ating ngayong Bernardo Carpio ay hindi na simbolo ng kalayaan laban sa mga Kastila kundi ng kalayaan mula sa ating sariling nagdirilim na kapalaran.

Subalit gaano man kasarap ang ideyang may natatago pa tayong pag-asa, minsa'y nakaka-umay na rin. Hindi ko na nga malaman kung tayo ba ang pinalalakas ang loob ni Bernardo o ang ating desperasyong may mapanghawakan tayong haligi sa panaho n ngayon ng krisis ay ang siyang bumubuhay sa diwa ng sinisimbolo ni Bernardo.

hindi ko nais pairalin muli ang aking pesimismo ukol sa kapalaran ng ating bansa, nguni't bilang pagtatapos sa artikulong ito, nais ko na lamang kayong iwan ng katanungan

isang simbolo ba ang kailangan natin upang makaramdam ng pag-asa?
ilang simbolo ba ang kakailanganin natin upang mapagpasiyahang tama na, oras na?
at higit sa lahat, tayo ba ay binubuhay ng kung anong matalinghagangsimbolo, o tayo ang magiging simbolo ng muling pagkabuhay ng ating bansa?





Lavarias, Alyssa Katrina
2008-63028
University of the Philippines-Manila
College of Public Health
BSPH, Blk 22