Wednesday, December 24, 2008

[mga]Rason Kung Bakit Minsan Mas Nanaisin Kong Hindi Ko Sila Kaibigan

learn to laugh at yourself sabi niya, sumagot naman ako't sinabing, i laugh at myself, pero alam kong nagiging defensive ako ng mga oras na iyon.

i'm being stupid most of the time, kadalasan, sadya, minsan-minsan, hindi ko lang talaga maiwasang magpakabobo. nakakapagsasabi din ako ng mga bagay-bagay, opinyong nag-iiwan ng bakas ng masidhing emosyon at reaksyon, na sa susunod na minuto ay maaring hindi ko na rin paniwalaan. napakainconsistent mo sabi naman ng isa, sabi ko naman, i am constantly changing, pero defensive nanaman siguro ako ng mga segundong nabanggit ko iyon, pero baka rin hindi dahil sabay ng ideyang hindi ako constant, ay ang ideyang, sa pabagu-bagong trends ngayon, at sa aking obsesyong hindi sumabay sa agos kung kaya't i'm constantly agitated. irrational, sabi ng kanilang mga titig sa akin, mga glances at reaksyon sa aking mga reaksyon. hindi ko sila masisisi dahil, may bahid nga naman ng irrationality ang aking mga kilos. ang hindi nila alam, ang rationality at pagiging lohikal, ay dumarating kapag tapos na ang eksena, at tanging ako lang ang nakararanas ng parusa nito. double dead nga ako eh, dahil nahusgahan na ako, tas huhusgahan ko pa ulit ang sarili ko.

panghuhusga. hindi ko alam pero talagang nerita ako pag hinushugahan na ako. sino namang hindi db? hinatulan ka na nang hindi man lamang iiniintindi ang rason sa likod ng krimen. nguni't minsan, mas nakapanghihina pa rin ang assumption, o ang pagpredict nila sa aking mga gagawin, sasabihin, iisipin. lalo na nung minsan, sa isang activity pangintindi sa personalidad sa isang panghapong asignatura, sabi nung isa, ai naku, alam ko magiging sagot mo. hindi ko alam ang isinagot ko sa kanya pero naalala ko kung ano ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon--inis beyond reason. iniisip kaya niya na pipiliin ko ang mas nararapat o diplomatic na sagot kesa sa choice na mas applicable sa akin? ganoon ba kababa tingin niya sa akin? alam niya ang sagot ko dahil nag-assume na siya na ganoon nga ako magreact, i feel judged naman sa sinabi niya. double dead uli.

siguro, irrational disgust nanaman ito, dahil pwedeng ginagawa nila ang kanilang personality predictions dahil kilala o sinusubukan nila akong kilalanin at hindi nila ginagawa iyon bilang prelude o kaya naman dressing sa kanilang immature judgment.

napapadalas na rin ang aking pananahimik. kadalasan, iniisip nila na nag-eemo ako, o galit ako sa kanila. noong nakaraang linggo, nakipagkita ako sa tatay ko sa mall, pagalis niya, hinahanap ko sila, pumunta akong Toys R Us, dahil un ang sinabi nilang lugar. wala sila doon, kaya hinanap ko sila sa mall. worried kasi akong sabihin nilang ininjan ko sila, nung malapit na ang susunod kong subj, pumunta na lang ako ng sa room namin, at expressionless, nakita ko sila, tahimik lang ako, masakit ang paa, hinihingal. naisip ko ngayon lang, baka mas mabilis lang talaga magwork ang aking subconscious dahil, hindi ko naman intensyong humiwalay sa kanila, hindi ko sinasadyang hindi sila pansinin.. ginagawa ko na ang mga iyon bago ko pa narealize na ginagawa ko na sila. nang medyo lumiliwanag na ang aking pagiisip, napagtanto kong tama lang pala na tumahimik ako. dahil hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, hindi ako galit, hindi ako masaya, hindi ako malungkot. mas defined pa siguro ung betrayed feeling, pero hindi pa rin sapat ang nararamdaman kong betrayal, dahil alam kong, justified ang kanilang pagpunta na lang sa room kesa hintayin ako sa rob. so tumahimik ako.

the next day, tanong niya, galit ka pa ba sa amin, pero sabi ko, hindi naman ako nagalit. forgivable pa ang assumption na iyon dahil, sa confused ang aking feelings noong nagdaang araw, malamang, grave ang expression sa aking mukha. pero ang sinabi noong isa, or ung ginawa niya ang talagang nakakagalit. tinanong nung isa kung galit ako kahapon, sabi ko hindi, pero sabi niya, galit ka eh, hindi mo kami pinansin tapos blahblahblah. hindi na ako nagsalita dahil hindi rin naman nila ako pakikinggan. iniisip nila marahil na easily predicted ang aking reactions kaya iniisip nila na tama ang kanilang mga assumptions. hinayaan ko na lang sila at nauna na sa paglalakad. bahala sila, sila rin naman ang talo, dahil mali sila. double dead again. nag-assume sila na nagalit ako, at hinusgahan nila akong muli.

hindi ako maghuhugas kamay, madalas ko rin iyang gawin. manghusga at magpredict ng reaction ng mga kakilala ko. pero siguro, mas malakas lang ang hagupit niyan, dahil, tingin ko ay kinakadena nila ako. gumawa na sila ng isang constant na imahe ng ako sa kanilang mga isipan at ang mga pagbabagong gagawin ko sa aking sarili, pagbabago sa pag-iisip, sa perspektibo ng buhay, sa mga bagay na kinaiinisan at hindi, ay mga pagbabagong sasabihin, huhusgahan nilang mali. sa panghuhusga nila ay hindi na nila ako hinahayaang outgrow ang mga nakasanayan, magmove-on sa nakagawian, palawakin ang ang pag-iisip.



-tbc-


opcors, natutuwa ako na friends ko siya at si isa, masaya ako at may kaibigan ako...masaya ako na friends ko kayo [esp: PACKMiJK, SDF, ang mga Casins, mga blockmates ko...] pero minsan talaga, hindi ko talaga maiwasang pagisipan kung tama ba na naging kaibigan ko kayo.haha. mga BI! o ako ba BI sa inyo? anyway, mukhang tiyagaan na lang mga friends... mahaba pa pagsasamahan natin[sana..]ahahaha-aha-ahaha [sabi ni Celine, tawa daw yan ni Mariel...hmm.ohwell]



>>>upnext! The story behind ahaha-aha-ahaha!!

2 comments:

Anonymous said...

hindi ka kaya nagwalk-out hahahaha, ngalit ka kay ulit saamin nun, sabi mo samin, 'tapos na ba kayo'?
kami ang na double dead sa galit mo:)

ang iniisip ng baliw, siya ang may reason

-grabe kelan kaya ko makakagawa ng blog na ganito? hmmmm...

reenactment said...

pwede ba kong mag-react?!

hehe.. sorry.. sabi mo di ka naniniwala sa salitang yun pero wala lang...