Wednesday, January 28, 2009

Things You Must Know About Me, but Should Not

ilang trival facts tungkol sa akin [as of the present situation] na maaaring makatulong sa inyong pang-iintindi sa aking pagkatao.


AYOKO NG SORRY. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kapangyarihan nun, pero ayoko lang na lagi na lang siyang ginagamit hanggang sa nawawala na ung talagang meaning nito. Naniniwala ako na pag nagSORRY ka, hindi mo na iyon uulitin, alam mo ang dahilan na nagSorry ka, tanggap mo na ikaw ang may kasalanan at ramdam mo sa sarili mo na nagsosorry ka nga. hindi ko rin tinatanggap ang Sorry mula sa mga nagkasala sa akin dahil usually, ang Sorry ay kanilang ginagamit bilang balakid sa totoong pag-unawa sa totoong insidente. ung para bang, "sorry na, bati na tayo" pero wala naman talagang closure ung problem. parang sugat na nilagyan lang ng band aid, magheheal nga pero meron pa ring peklat.

MagsoSORRY lang ako sa sitwasyong nasabi ko na ang lahat at hindi pa rin ako napatawad at malalaman niyang hindi ko na tlaga uulitin ang naging kasalanan ko, na nasasaktan ako dahil sa hidwaan na meron kami, na talagang totoo ang paghingi ko ng patawad, dahil sa puntong iyon ko lang talagang sasabihin ang sagradong salita.


KAPAG SINABI KO NA ANG SIDE KO, WALA NA SA AKIN ANG NANGYARI. ayun, ayoko kasing maging grudge holder. hindi ako makapagfocus dahil kapg may tinatago akong sama ng loob, most ov the time, iyon lang ang iniisip ko, gumagawa ako ng play sa utak ko na kung saan sinasabi ko sa kinaiinisan ko ang gusto kong sabihin. tas lalo lang ako mafufrustrate dahil alam ko namang hindi mangyayari iyon. sabihin niyo mang taklesa ako, at least kapag sinabi ko ang isang bagay na ikakainit ng pwet niu, hindi na kayo mag-aalala na may galit ako sa inyo. kapag sinabi ko ng dertsahan, asahan niyo na mawawala [ o kahit not totally, basta!] ang grudge na naiipon. magdusa kayo kapag hindi ko nasabi dahil mas matatas dila ko kapag nangyari un. sisiraan ko kayo, paparinggan, kakalap ng tsismis tas ikakalat sa lahat, tas imomock kayo, tas nasa wanted list kayo ng mga nilalang sa mundo na pasasabugin ko ang bungo, itatapon kayo sa galaxy, ibebenta kong sex slave sa mga porenjer....ilulubog sa asido, tatanggalan ng kuko, lalagyan ng asin ang mata, tas bubunutan ng lahat ng ngipin in one day walang anestisiya. [mamili na lang kayo, -coffee rush-]


ang left ay right, ang sa taas ay nasa ibaba. ewan ko ba pero may problem talaga ako sa left and right, right and wrong, at up and down. ang alam ko, ang Canada at korea ay nasa ibaba ng equator, at ang greece, singapore ay nasa itaas. ang Mercuru drug so ROB ermita, akala ko nasa right kung galing ka ng Faura wing, tas nasa left pala. tas sa True or False at nasa hula mode ako, mali lagi ang napipili kong sagot.

Ayokong matulog ng before 12 pag nasa bahay ako. sagrado ang 12-5am para sa akin. dahil sa mga oras na iyon ako lang ang gising.ako lang ang gumagalaw ako lang buhay. akin ang oras, ako ang hari. dahil kadalasan may problema ako sa pokus, mas madaling maging productive sa mga ganitong oras dahil walang mga kaluskus ng kahit anong nilalang mapainsekto man o tao. pag natulog kasi ako ng mas maaga sa 12, pakiramdam ko ay nakapagsayang ako ng oras, may mga ideyang nasayang at may mga realisasyong hindi nagawa.

mAHILIG AKO SA ICED COFFEE!

MAY DALAWANG RASON PARA AKO TUMAHIMIK. una ay kung nasa deep thinking mode ako. ito ung mga moments na nais ko lang pag-isipan ang aking sarili ang buhay, ang pagpasa ng no honking of bus horns beyond C pitch, o kung anu mang dumaang topic sa akin. pangalawa ay kung ayoko sa present company ko. kung naiinis ako sa kanila o talagang indifferent lang ako sa mga pinaggagagawa nila, madali lang naman malaman kung alin sa dlawa ang rason ko kung tahimik ako. kung una, kapag kinausap ako, cheerful ako, kung pangalawa, blank, sasagutin ko lang ang itinanung mo. kung una, nakatingin ako sa malayo, kung 2nd, nagbabasa o kaya nagsusulat.

HINDI AKO EXPRESSIVE SA AKING MUSHY EMOTIONS. kung importante ka sa akin, malalaman mo iyon kasi lagi akong magpaparamdam. hindi ako nagaa-I-love-you sa parehong dahilan na ayokong nagsosorry. tas [alam kong it is a weakness] ayokong nagpapakita ng mga soft emotions dahil katulad ni Okonkwo, kahinaan iyon sa akin. a form of submission.

Madali akong maoffend. ijudge mo ako prematurely, gumawa ka ng sarili mong judgment not considering my side, pag-usapan niyo ako behind my back, talikuran ako, ipakita na im not worthy of asking, of giving suggestions, or any form of any proposition and ipakita na intelectually damaged ang challenged ako, mapupunta na ako sa grudge mode o silent-number-two-reason mode. naooffend din ako kapag hindi ako pinapatapos magsalita dahil for me its a form ov lack of appreciation and respect. [all i need is a bit of those]

Gusto kong naiinjure.

Prone to making irrational Disgust.

AYOKONG BUMIBIYAHE MAG-ISA TATAY ko. out ov proportion kasi dapat na si Deh ko ang matakot with me being a girl in the big city. Pero hindi ko lang talaga maiwasan na mag-alala na kapag nagkita kami sa Rob e un na ung huli, na kapag umalis na siya, may masamang mangyayari. Magkaugali kami ng tatay ko, in ways na hindi ko inaakala. tahimik lang kapag hindi kumportable, pero mabagsik magalit. Although aanga-anga siya sa showbiz, at current events [actually indifferent lang ata siya] [haler, lumaki po kasi silang magkakapatid na walang TV] mas experienced naman siya sa ibang bagay. matagal na rin siyang nagpupunta ng Maynila, simula pa noong Kinder ako at lagi ko siyang kinukulit na isama ako at sinasabing hindi ako mawawala at kaya kong umuwi mag-isa [ahem, kinder lang ako niyan at halatang nagmamagaling, hindi ko nga alam pumunta sa skul eh]. wala rin naman siyang alzheimers o parkinsons or dementia kaya hindi siya mawawala. pero hindi ko pa rin tlaga maiwasan magworry to the point na gusto ko na lang siyang ihatid sa pupuntahan niya ihatid papuntang bus station at isecure na makakauwi siya sa bahay ng maayos. o di ba? parang nanay niya ako? hahaha. pero hindi niya alam un, ahahaha-aha-ahaha. baka ipaalbularyo niya ako pag nalaman niya.


tbc






************************
kay isa, "who am i to judge?"
tama nga naman, sino ba ako para magsabi na hindi sila bagay? na hindi sila pwede dahil may mga preconceived notions ako kung sino ang para kay sino?

pero ibalik ko lang..
sa mga panahong naging kritiko ka ng marami ng mga kalahok sa kung anu anong paligsahan, ng naglalahad ka ng mga damdamin ukol sa usaping wala ka naman talagang kinalaman dahil una, wala ka sa tamang kontinente o lugar, who are you to judge?

hindi ko alam kung noong banggitin mo ang "who am i to judge" ay nagbibiro ka, pero nevertheless naoffend ako. wala akong maibibigay na konkretong rason kung bakit ako naoffend pero nangyari na eh. kung sakali man, sana ay nakita mo pa rin akong nag-antay sa labas ng tindahan ng winowalk-outan kita. pero sa tingin ko ay hindi dahil hindi mo rin ako nilapitan.

No comments: