Wednesday, January 28, 2009

Pasensyahan Na Lang Sa Matatalo

kung magyeyes ba ako, mapuprotektahan ko ba ang office of the student regent?

hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung manalo ang no.

hindi ko rin alam kung tama ba ang mapipili kong desisyon.

mahirap pala talagang bumoto nang totohanan.

hindi ko rin alam kung bakit kailangan pang ikampanya ang yes para magyes ang mga botante.

bakit ang no, walang mga posters, walang mga text quotes, walang mga parapernalya, pero marami ang sumusuporta?

bakit ang yes, nagmumukhang desperadong kumuha ng boto?

hindi ko rin maintindihan kung bakit ipinapalabas na pag nagNo ka, e hindi mo na pinoprotektahan ang sr.

hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ipinapalabas ng suporters ng yes, na gagaguhin ng admin ang mga estudyante.

hindi ko rin maintindihan ang prinsipyong ipinapahiwatig ng mga yes people. magyes na lang para matapos na at maharap na natin ang ibang "more pressing" problems? e paano ung internal problem ng osr mismo?

talaga bang kailangang idugtong ang isyung ito sa global financial crisis, at sa kung anu ano pang problema ng bansa para lang magyes ang tao?

yes ba talaga ang sagot?

no ba talaga ang solusyon?

ano ang pipiliin ko?

ano ang makakabuti para sa akin?

ano ang makakabuti para sa mga kapwa ko estudyante?

nakanino ang katotohanan?

alin ang magtatagumpay?



matagal tagal na rin ang isyung ito at ngayon ko lang nararamdaman ang totoong pressure nito.
nung una, walang kaseryosohang sinabi kong yes ako, sa pag-aakalang wala lang ito, isang bagay na walang koneksyon sakin, isang walang kuwentang botohan para sa isang opisinang hindi naman effective.

hindi ako politically active, hindi rin ako isang tibak, pero bilang estudyante, kailangan ko rin namang protektahan ang kaisaisang representative ko sa mga nakatataas. nais ko rin siyempre ng isang representative na presentable, dahil paano haharapin ng isang academically poor ang stress ng pagiging regent kung pati ang kanyang personal responsibilities bilang estudyante ay hindi niya kayang i handle? nais ko rin siyempreng makasama sa pagpili ng regent, nais ko ng makademokratikong seleksyon, at hindi lang ang iilan ilang konseho lamang.

hindi ako totally acquainted with the charter change sa mga batas ng unibersidad ngunit base sa aking nabasa, bakit iniisip pa rin na bobolahin tayo ng admin at sila na mismo ang maglalagay ng sr kung nakasaad naman sa batas na hindi ito maari?

ayon sa parehong forwarded email, kung sakali mang tama ang assumption ng yes na magkakaroon ng admin-appointed sr, papaanong magiging anti-student ang sr na ito kung siya ay isang ring estudyante? pera? threats? ganyan ba kababa ang tingin nila sa admin-appointed sr? ganyan ba talaga kababa ang admin?

naisipan ko ring mag NO, pabiro, dahil sabi ko, masyado nang sikat ang yes, no na lang para may boto ang no. tas naging,no na lang dahil ayoko kay CIelo and company [ung nag rtr samin na super hardcore persuasive na i think, he feels justified, e hindi naman klarong magpaliwanag], tas no kasi im against the majority.

overtime, at dahil papalapit na rin ang botohan, narinig ko na rin ang mga dahilan kung bakit ako kailangang mag no. narinig ko na rin ang mga advantages ng no, at nabura na rin ang aking mga preconcieved notions and prejudices about the no vote.

ang tanging natitira na lamang gawin ay magdesisyon. yes to have an sr, or no to have a better sr? yes to protect our sr from admin manipulations, or no to protect the sr from unsatisfying, incomplete and undemocratic selection process? yes or no?

desido na ako... ika nga ini ate erika, "this is my only chance to have a say, and i'll take my risk."



Lavarias, Alyssa Katrina G
2008-63028, BS PH, Blk 22
College of Public Health
University of the Philippines--Manila





No comments: