Thursday, February 26, 2009

Lablayp Naman Tayo

ayokong isipin na attracted ako sa isang nilalang dahil materially-gifted siya.....

well, dahil wala na akong kontak [almost] sa aking elementary "friends for the meantime", at wala akong friends outside the sphere of my schooling, lahat ng friends ko ay with brains. kadalasan buong brain, ung iba naman, either left or right ung nadevelop, ung iba, pure sentimental things lang ang alam o ung second brain lang nadevelop [like uhm hypothalamus, pons, ekek]. ahaha. joke lang. ang lame. pero really, lahat sila intellectually gifted, given that they're either from pisay, or nakilala ko lang sila sa block ko.

Ung mga batchmates ko sa IRC, well, kilala ko sila, alam ko ang kanilang pag-uugali, pero dahil knowledge is a relative thing [at tama ba ako?] no truth value, alam ko base sa pagkakaalam ko. at dahil 31 lang kami, at nabuhay ako for two years hoping for my own Mr Darcy, limited lang ang choices ko for that matter. e di siyempre, doon na ako kay ganito, may brains na nga, may bling pa. ....Mr darcy soon drew the attention of the room by his fine, tall person, handsome features, noble mien... gentleman, true friend...blahblah...reserved, pero nonetheless amiable.

back to the course...
baka malaman niyo, sugurin niu pa ako...
alam kong marami rin nahumaling kay ganito..
maraming ring nangarap..
pero, [defMech]
hindi siya ang ginusto ko kundi ung image na nakikita ko.

ayokong isipin na dahil sa materyal na bagay, nahuhumaling ako sa isang tao.

may narenew, may natabunan, renew ulit.....

akala ko tapos na ako dun. na na-outgrew ko na ung childish affection for an image na tinatry kong ipatch kay french cappuccino. alam ko ang potensyal niyang maging isang ~woot! hearththrob, pain-in-the-ass papable in all sort ov way...matalino, mabait[?], talentado, and ov course, may looks [potential]. tinatry ko, pramis, ishape siya, to no avail, as in walang effect... kaya nagmove-on ako..

akala ko.

pinupuna ko na siya, nakikita ko ung mga bagay na hindi ko nakita dati nung minomolde ko pa, hanggang sa nagkakaroon na ako ng disgust sa kanya. hindi ako disgusted na naging prospect ko siya dahil, hallerr, sino ba naman tatanggi sa isang hardcore relationship na nag-ugat pa sa age ov innocence db? almost child-hood sweethearts, kahit hindi na kami ganoon ka child-looking individuals....
napunta na lang attention ko uli sa mga libro, coffee, music, sa cars, sa Audi, kay Jason Statham, hanggang sa..

wushoo!
ayun, may bling na siya, bumalik uli ung urge to shape him, ung images of kids na [hopefully walang mamamana sakin na physical attributes, at tanging mindpower lang ang maibabahagi ko sa kanyang genetic make-up, ] kamukha niya..o di ba, ang gaga, kebata-bata ko pa, wala pa nga akong boobs, anak na kagad iniisip ko.. anyways. aun, may bling bling na siya, mayabang uli ang dating niya sakin, mayabang na silent pero may sense, blahblah,[d ako pwede mabgay ng hints baka ipako niya ako sa krus] tas aun. narenew siya. oi jed! iba ito dun sa narenew sa philam ha!!! iba...

ayoko nang lagyan pa ng deeper meaning ang ganitong bagay dahil it's ov no value to me, kasi hindi na ako naniniwala sa romantic love, love oo, between family members, between friends, between a group sharing the same affliction, pero love between gender-defined people? no. i dont think so. it's either lust or, for some other reason i could easily fight them off.. katulad ng for company's sake, for financial security....blahblah..

mawawala din ito. mageexpire din ito, at hindi ko alam kung marerenew pa siya o hopefully, matubos ko na... hindi ko rin alam dahil una, hindi niya ako nakikita in that sort ov light [kahit itapat mo pa siya doon kasi wala talaga for him..*sob] pangalawa, hindi ko rin alam kung handa ba ako.. oo nga't pinapangarap ko rin magkaroon ng isang korean-like love wit all that gooey eyes, piano accompaniment falling leaves snowfall, blue sky like there's no tomorrow... pero more than that, kaya ko bang iharap sarili ko barenaked sa kanya? don't get me wrong, ang ibig ko lang sabihn. kaya ko ba ng complete transparency, walang lihim, walang inhibisyon? pangatlo, at ito ay sure ako, sa lahat ng katanungan ko regarding this, sure ako na ang lahat ng kasagutan,kahit na nakaharap na sa akin, hindi ko pa rin paniniwalaan dahil nabubuhay pa rin ako sa imahe na nilkha ko sa aking utak. at finally, connected to number 3, dahil hindi ko alam kung ang ginugusto ko ay si french capppuccino mismo o ang kanyang bling, o ang potentials niyang nakikita ko, kung mawala ang kanyang bling, kun tuluyan ng maglaho ang potensyal niya, may koneksyon pa ba ako sa kanya?


================
siguro, kailangan ko ng bitawan ang ideya na pagmamay-ari ko siya. dahil jan nag-uugat lahat ng problema. kelam ko ba kung hindi niya ako makita sa ganung light? hindi siya sa akin kaya dapat hindi ako nahehurt...tae. gacheesy. anyway.

ikaw..wag kang feeler ha. baka isipin mo nanaman na ikaw ito. kebs ko sayo? kekeloggin muna ako ng bonggang bongga bago ako mahulog sayo...
ahaha


***kung gaano kadaling marenew, ganoon din kadaling maexpire.
buti pa si philam-renewed, purely crush lang...

1 comment:

Louise said...

Ngek. Huwag kang magpigil.

Haha.

--Louise