isang pagpapaliwanag sa kung bakit ako nag-eenglish..
sa mga nakakaalam ng aking highschool background, walang halong pagyayabang, nguni't isa ako sa mga kinikilalang manunulat sa ingles sa aming batch. hindi ko sinasabing ako ay magaling dahil kung inyong matatandaan, wala akong sariling estilo sa pagsulat at tanging ang estilo ng mga manunulat na nababasa koa ang aking nagagamit. Matatas akong magsalita noon ng tagalog, at madaling natuto ng basic ilokano, habang lumalawak naman ang aking bokabularyo sa ingles. aminado akong hindi ako kagalingan magsalita ng inggles dahil madalas nauutal ako't hindi kayang sabayan ng akign bibig ang takbo ng aking utak.
simula ng aking tertiary education, ganoon pa rin naman ang aking gawi. english writer, at tagalog speaker. nito lamang semestre ako naging "english speaker". ok lang naman sa akin iyon dahil sa tingin ko ay nadedevelop na rin ang aking english skills. nguni't dahil ito ay binabansagang conyo style, at ako raw ay unti-unti nang nagiging conyo, nais ko lamang ipahiwatig ang aking hinala sa kung bakit nangyayari sa akin ito.
dahil sa kom na nirequire kaming gumawa ng blog sa tagalog, kaya mas madalas na sa tagalog na ako gumagawa ng mga sulatin. hindi na rin ako masyadong makagawa ng english articles na kalinya ng dati kong mga sulatin. aking nahihinuha na dahil dito, kung kaya ako nageenglish sa aking salita. pinipilit ng aking utak na ilabas ang kanyang english skills sa kahit anong secondary option. noong highschool, dahil hindi naman kailangan mag-english kaya primary option ko ang pagtagalog thus my english skills were channeled into writing. ngaun naman, dahil tagalog ang nirequire na gamiting lengguahe sa blog, kaya ang aking english phrases and words ay lumalabas sa aking bibig.
nakakasunod ba?
kunghindi, e di mabuti....
hindi ako conyo, dahil kung ibabase sa standardiya na pagiging conyo, dapat ay isa kang mayaman, maganda, elite o habulin ng money-clad suitors from all age brackets, at siyempre de tatak ang mga damit...
hindi ako mayaman.
hindi ako maganda..
lalong hindi ako isang elite
o habulin na maperang dyowa-to-be.
kung pwede lang sana.
ahahaha-aha-ahaha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment