Sunday, November 30, 2008

Isang dekadang may pitong sobra

Nalalapit na ang aking kaarawan, ngunit mas nanaisin kong isiping anibersaryo iyon ng aking kamatayan.

Sabihin na nating bago pa man ako nabuo sa sinapupunan ng aking ina, ay mas malaya ako. Ako ang lahat ng puwede sa universe, at mas madaling paniwalaan iyon, dahil hindi ako limitado ng mundo. I am everything one can imagine, because basically, I wasn’t yet conceived, therefore no chance of being a definite individual.

Nabuo ako, at sa sandaling nangyari iyon ay naigapos na ako sa selda ng limitasyong dulot ng konsepto ng genes at heredity. Kung anong meron sila ay siya na lamang posibleng maging akin. Nawalan na ako ng karapatang maging ano o sinong magustuhan kong maging, nang magkaroon na ako ng pasaporte tungo sa mundo ng eksistensya. At marahil, iyon lang talaga ang diwa ng kaarawan, ang ipagdiwang ang pagkakaroon ng existence—isang bagay na kakailanganin mo pang paghirapan para maintindihan at higit pang ikatuwa—at lahat na ay ang mga bagay na dapat ikalungkot, dahil sa bawat kaarawa’y nababawasan ang iyong kakarampot na kalayaan.

Naniniwala akong dala-dala natin sa world of existence ang ilang bahagi ng ating kalayaan mula sa world of undefined nang tayo’y isilang. Malaya tayong mabuhay kung sa anong paraan natin naisin—matulog, kumain, magbawas, umiyak—apat na bagay lamang na susustento sa ating noong konsepto ng kalayaan dahil bumabalakid sa atin ang estado ng ating intellectual development. Ngunit habang lumalawak ang ating pang-unawa at nadaragdagan ang ating nalalaman sa mundo ay dumarami rin naman ang mga kadenang kumakabit sa ating katawan. Nalalampasan natin ang hamon ng intellectual development, ngunit agad naman itong napapalitan ng hamon ng responsibility at ng propriety. Natututunan ng mga bata na may kakayahan na silang gawin ang ilang mga bagay at hindi na nila kailangan umiyak upang makakuha ng kanilang rasyon ng gatas. Unti-unti rin nilang natutunan ang pakikisalamuha, sa paglalaro at pakikipag-usap. Subalit nasa kamay rin nila ang responsibilidad sa kanilang mga gamit—laruan—sarili—self-preservation—at ang pakikipagtalastasan naman ay guwardiyado ng palatuntunan sa tamang pakikipag-usap at ng etiquette. Habang tumatanda ay lalong umiigting ang mga limitasyong ito dahil hindi na lamang ang tahanan ang pinag-uusapan ngunit ang buong society na ating ginagalawan.

Sa bawat taong lumilipas sa ating eksistensya ay nariyan ang mga balakid dulot ng lakas at kakayahang naapektuhan ng edad. Mas madaling intindihin ito kung ating ihahambing ang dalawang ito sa hugis ng isang bundok. Pinakamalakas ang isang indibidwal sa kanyang midlife. May mga natatangi na itong kakayahan na kayang suportahan ng kanyang katawan. Ang bata ay raw material pa lang at pawang lakas lamang ang nasa kanya, at ang mga matatanda naman ay puro teoretikal na ideya na lamang ang kayang gawin dahil hindi na sapat ang lakas ng kanilang katawan upang magampanan nila ang kanilang mga gawain.

Kung sa mundo ng undefined—huwag nating iconfuse ang ating sarili sa world of ideas ni Plato dahil sa undefined ay wala tayong inaasume na konkretong ayos at porma—walang epekto ang mga limitasyong ito dahil unang una, hindi rin sila definite. Nothing touches nothing. Wala tayong inaassume na porma, pagkatao, o kung ano pa man, wala tayong konsepto ng society, heredity, at malamang pati ang ideya ng oras.

Kung bakit malaking bagay ang mga kaarawan ay isang tanong na hindi ko mabibigyan ng kasagutang makasasatisfy sa kuryosidad ng iba. Subalit ito lamang ang masasabi ko, ang kaarawan ay isang okasyong gumugunita sa moment na nabigyan ka ng pagkakataong mag-exist sa mundo at mabigyan ng pagkatao. Oo nga’t nawalan ka ng maraming bagay na handog ng iyong kalayaan sa world of undefined, nguni’t nabigyan ka naman ng tsansa sa realidad. Nang mabuhay ka sa mundong ito, namatay naman ang ibang “ikaw”, ngunit magpasalamat ka at nabigyan ka rin ng distinksyon. Dahil kung ikaw ang lahat ng puwede sa undefined at kung ang lahat ng sangkatauhan ay nanggaling doon, mahihiwalay mo pa ba ang sarili mo kahit gaano ka kalaya? Mahahanap mo ba ang sarili mo sa mga katagang “everyone is everything”?




At dahil nasa world of existence na ako, kailanganin na ring mag-exist ang mga regalo. Madali lang naman akong mapasaya, dahil nais ko lamang ng libro, o kaya, one year free Starbucks Frappucino kahit grande lang.

ahahaha-aha-ahaha.

Wala akong balak papaniwalain kayo sa aking ideya ng world of undefined, dahil wala naman akong pruweba na may katotohanan ang mga ito. Ito ay bunsod lamang ng aking disgusto sa curfew—self-imposed curfew—at sa walang humpay na imahinasyon—imahinasyong minsan tumatawid na palayo sa barriers of sanity. Wow! Tunog schizophrenic ah!

Kaya kung naaawa na kayo sa isang potentially schizophrenic, bigyan niyo na ng pasaporte ang aking mga regalo..ahahaha-aha-ahaha.

trial

nahihirapan kasi akong magpost at hindi ko alam kung bakit...ito ba ay dahilan ng aking pagiging technologically-challenged? oh sadyang may problema lang talaga sa server?

nakakairita naman at hindi ko maipost ang aking post[frustrated]


wag niu na tong basahin dahil wala naman akong nais sabihin dito.

eto na lang..



maligayang disyembre!!!:D

Wednesday, November 26, 2008

Sisihang Paikot-ikot...Paulit-ulit...

A message to all commuters

To apathetic individuals who refuse to take action

And to those who deny the obvious

Naiirita ako! Sa lahat ng tao sa paligid ko, nakaharap, at kinakaharap ko! Naiirita ako sa babaing pilit na isiniksik ang sarili niya sa jeep kanina na naging dahilan ng pagkawala ng aking phone! Tama! Sinisisi ko siya kaya hindi ko makontak ang mga magulang ko para ipaalala na kelangan nang diligan ang aking atm. Sinisisi ko siya dahil kung hindi dahil sa pagsusumiksik ng kanyang matambok na puwet sa upuang okupado ko na, nasa aking maliliit na mga kamay pa rin sana ang aking unNAKAWable phone.

Sinisisi ko siya dahil [para sa akin] siya ang may kasalanan at hindi ako.

Sinisisi ko siya sa aking kawalan ng means pangkomunikasyon dahil kahibangan ang ipasa ang sisi sa sarili sa isang pangyayaring ikinakainis mo.

Sinisisi ko siya dahil masyado akong vain para sisihin ang sarili para sa kawalan ng karampatang atensyon para sa mga valuable things.

Nakakatawang isipin na ganito rin ang aking saktong nararamdaman habang nakiking sa SURVIVOR Philippines talk sa LT noong nakaraang lingo. Bwisit na bwisit ako sa dalawang panig-ang mga militante at ang gobyerno. Naiinis ako sa mga militanteng grupo dahil paulit-ulit na lang ang kanilang sinasabi, approach at estilo. Pati mukha at boses ay paulit-ulit na rin! Nakakarindi na! hindi ko na kailangan pa ng karagdagang datos para kumbinsihin ang aking sarili na wala na talagang pag-asa ang hugis-butiking bansang Pilipinas. Saludo ako sa pagsisikap nilang imulat ang nakakarami sa mga katotohanang pilit na itinatago sa atin ng nakakataas--mga katotohanang malagim, nakakabanas, nakakatanga at mga bagay-bagay na wala sa mga fairy tales na kinalakhan natin. At higit naman ang pagkairita ko sa gobyerno dahil wala na silang ginagawang tama! [kaya paulit-ulit ang mga sinasabi ng mga militanteng grupo ay dahil pare-parehas lang naman din at paulit-ulit ang mga gawain ng gobyerno.] Nakakapag-isip tuloy ako ng mga hideous ideas para itorture ang Mahiwagang Nunal Family[thanks to Kikomachine]—ung mala-SAW ba ang dating. Imagine mo na lang na sa bawat kawalanghiyaan ng Mahiwagang Nunal ay paulit-ulit ang paglubog sa kanya sa asido….nalapnos sa unang lubog tapos ilulubog pa ulit…ulit….ulit….ulit…………….

WAIT! Nakekerid away ako!

Naiinis ako sa gobyerno dahil kahit alam naman nila ang tunay na estado ng bansa, ay patuloy pa rin sila sa kanilang pambobola. Kahit na alam na nilang alam na ng mga mamamayan ang samu’t sari nilang katiwalian ay patuloy pa rin sila sa pag-arte na tila lagi silang may dadaluhang party at ang kanilang tanging pangamba ay baka hindi maayos ang kanilang make-up. Nakailang isyu na ang Mahiwagang Nunal at sa bawat isa sa mga ito, ay ipipilit nila na ang panig nila ang nagsasabi ng katotohanan at ang mga bumabatikos ang siyang mali. Minsan pa nga ay lantarang babaliktarin ang sitwasyon at ipapasa sa mga oposisyon ang sisi. Kung hindi nila mapaniwala ang bansa na inosente sila ay tatabunanan nila ito ng panibagong isyung pambansa tulad ng sa krisis sa bigas noon, hanggang sa makalimutan ang naunang kontrobersya tulad ng sinapit ng ZTE deal.

Kung sa bawat problema ng bansa ay bibigyan tayo ng isang milyon, bayad na marahil matagal na ang utang natin sa World Bank.

Nakakaasar lang dahil umaasa ako sa dalawang panig na may mabuti PA silang maidudulot. Kung babaguhin lamang nila ang kanilang distorted and prejudiced ideas, may pag-asang tayo ay umasenso at makilala muli bilang isang bansang may dangal. Pero imposible dahil ang gobyerno ay mananatili bilang siya—na ‘pag natikman ang droga ay maadik sila—at ang mga aktibista, at mga militanteng grupo na patuloy lang sa paghahanap ng butas sa administrasyon ng kung sino mang nakaupo. Paulit-ulit-ulit-ulit-ulit -ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit-ulit……

At naiinis naman din ako sa aking sarili dahil masyado kong pinaiiral ang aking pesimismo, walang bilib sa sarili..sa bayan….Wala pang phone!!! Omg!

Ngunit,kahit na alam ko naman na ang maaaring mangyari kung wala akong gagawin ngayon, ay hindi pa rin ako kumikilos. Nakakapanghina naman kasi di ba ang umasa na may pagbabago sa oras na sumali ka habang nakikita mo ang iba na masayang nagkukuwentuhan palabas ng mamahaling mga coffee shops….

Kaya tulad ng sa umpisa,..

I love myself, I am vain enough not to include myself in the equation whose only result is the downright fall of the no-longer beloved country. This country’s value would continue to wither away, and all the while, I would mourn but never blaming myself…

Hai, panibagong rason kung bakit karapat-dapat akong isama sa mga esterong kailangang pasabugin upang luminis ang syudad. Kadiri! Mas mapanghi pa ang pagkatao ko kesa sa tubig-baha sa Taft!

Sumabog ka! Sumabog ka!




Ssssssssssssssh! Boom.

madaling ibaling sa iba ang sisi lalo na kung sarili ang nadedehado. madaling paniwalaan na wala tayong kinalaman kung isa tayo sa mga nahihirapan. Tulad ng sa aking fone, sinisisi ko ang babae dahil sa kanyang pagsiksik kahit na alam kong ang kakulangan ko sa pag-iingat ang tunay na dahilan. Katulad ng sa sitwasyon ngayon sa bansa, madaling ibaling sa mga nakaupo ang sisi sa sinasapit natin. Pero nakakaligtaan na natin [umamin ka!] na may pagkakasala rin tayo. Marami akong maaring sabihing kasalanan ko kapag talagang pinag-isipan ko, at marahil, ikaw din. mag-isip ka, ano na nga ba ang mga nagawa mo para sa bansa? Nakabuti man o hindi…ano?!

Thursday, November 20, 2008

ang sampung utos ng Absolute

pipilitin kong magpakitang gilas kay prof.
kaya purong Filipino ang aking gagamitin.....





...NOT!

ayoko pang magblog. hindi dahil hindi ako marunong o wala akong means gawin iyon, pero ayoko lang talaga. Diary? Nasubukan ko na iyon...noon. Ginastusan ko pa ng sandaan ang diary notebook ko noon na de-susi na kulay fenk, na amoy Downy na cute na may glitters, na may mukha ng dalawang cute na blonde na batang lalaki at babae. hindi ko maalala ang mga sinulat ko noon. "dear Diary.." lang ata.
dahil ano naman ang maari kong isulat na world-changing article? na nag-away kami ng bestfriend ko daw? na late uli ako at kailangan kong pumunta ng library bilang parusa? na ang maingay ako at magulo kaya pinasquat ako sa ibabaw ng upuan nung Language and Spelling? na nawala ko gameboy ng kaklase ko [na mukha atang repeater dahil sa laki] kaya sabi ng advi ko na ibigay ko na lang daw ung everyday baon ko na 20pesos para pambayad kahit umokay naman na ung kaklase ko na bigyan ko na xa ng 500 na naibigay ko naman na bago pa sumawsaw ang guro ko? na......

!!!freeze!!!

iba na ngayon. kaya ko na sigurong magsulat ng may sense at point at hindi lang mga bagay na hindi ko naman kailangang isulat para maalala.
pero hindi iyon sapat na dahilan para gustuhin kong magblog....dahil may iba na rin akong rason.

para sa mga hindi nakapagbasa ng aking first ever blog na "why i refuse to blog", heto... dahil alam kong nakakapagod magclick at magtype at nakakaputi ng mata ang pagload ng browser na may connection na lampas 100kbps.

why i refuse to "blog"Oct 31, '08 7:10 AM
for everyone
theft...
infringement...
confused originality...

well, im not saying, my craft is worth the trouble..
im not even suggesting that someone would be fascinated enough to do that.
as of now, the blood of the hidden poet, [or should i say ex-hidden poet?] is flowing from my veins to the paper unlucky enough to be messed upon with my blood.

ok that was emo.

anyway. my point is, i'm not yet ready to launch my writing career [if ever i have] to the scrunity-filled world.im still polishing my grammar [so if ever u find one in here, i guess this explains it], and yes, im still looking for my own voice. my works are so much influenced by the voices of the literary works i read.try as i might, i cant totally erase the "aura" of the previous book or poem or essay from my head that when i begin to write, there's too much of that aura in my work, that it is hardly me working on it. i like it when i'm uncomfortably filled with emotion. it's cliche, but i write better [without any influence by any writer] when i try working with emotion. it helps that im moody, i get different tones of prose and poetry with mood swings.

in short, i'm still looking [or waiting or working] for my originality.
this is why i refuse to "blog". you wont hear me if i do now..eventually, i'll let you know.

till then....


hindi ko alam kung bakit ako ngayon nagbablog, at hindi ko alam kung sinong manunulat ang sumanib sa akin para makalikha ako ng ganito. Bob Ong? woah! sosyal!
nalulunod lang siguro ko sa 1.5 litrong tubig para sa aking water therapy kaya naisipan ko kahit wala naman kahit anong relasyon sa buong artikulo, na bigyan ito ng title na "sampung utos ng Absolute."

pero dahil sa rekwayrd ito sa Kom 2, pipilitin ko ang sarili ko na magblog. whopz! alam ko ang nasa isip mo ngayon at.....Tama ka!TAMA! ginagawa ko ito dahil sa grado! tandaan! nagbablog ako dahil sa grado! iyon at iyon lang ang nakikita kong motibasyon NGAYON kung kaya ko ito ginagawa! ayokong maging diplomatic at malamang ayoko ring maging ipokrito. sino ba naman kasi ang matutuwa sa pagbabasa ng mga isinulat ng isang taong wala namang sariling boses at nanghihiram lang ng aura ng iba? hindi lang kayo ang pinapaikot ko dahil maging ako ay maloloko ko na nakapaglalathala ako ng disenteng artikulo.

kung ikaw na nagbabasa ngayon ay nakapagbasa na ng aking mga gawa noong primitibo pa lang aking gamit [bolpen at papel] ay napahanga ko, ahahaha-aha-ahaha. wala lang. salamat at kahit papano, nasusuklian ang aking eport. pero ayoko mang gawin, kailangan ko iyong bawiin, dahil hindi naman ako ang tunay na hinahangaan mo kundi ang otor na nakopya ko.

ouch. ang sakit. Cheater na pala ako, hindi ko pa alam. natatakot akong ilathala ang blog na ito dahil alam ko, mawawalan ako ng kredibilidad bilang manunulat. hindi ko naman sinasabi na malaki ang aking fan base nguni't, paguguhuin ko ang aking sariling entablado--ang entabladong pinaniwalaan kong ako'y naging bida at namayagpag.

siguro, bilang isang nagmamalasakit ay ipagtatanggol mo ako mula sa aking sariling pesimismo. Malamang ay sasabihin mong, "hindi, everyone is unique..is different." o kaya, kung medyo weepee ka, "OA mo naman! wala ka kayang katulad magsulat!" Maraming salamat na lang pero, hahayaan ko ang sarili kong magmukmok.

ang tanging konsolasyon ko na lang ay, marahil sa mga nakokopya ko ay natututo ako at nadedevelop ang aking literary skills. mas malawak na ang aking nalalamang estilo, tekniko at kung anu ano pa, kaya mas mapapadali ang pagkokolaboreyt at pagmanipula sa mga salita at ideya. [at habang binabasa ko ito ay tumitibay ang tiwala ko sa konsolasyon kong ito, nguni't naiisip ko rin ang aking katanungan sa Philo1--makikilala ko ba ang sarili ko na hindi humihiram na deskripsyon ng iba?]


paumanhin kung magulo.kung walang saysay at nakapanglulumo.
paumanhin sa aking mga pans! hayaan niyo! bubuhayin ko uli kau sa aking imahinasyon!
pasensyahan na lang sa mga nakopya kong otor, sa mga nabasa kong libro niyo at binabalak kong basahin!
pasensya sa mga taong umaasa sa aking kakayahan.......[kung mayroon]
pasensya sa mga punong pinutol para lang aksayahin ng isang katulad ko.

mabuhay kayong mga umaasa sa aking pagbagsak! heto na ang aking suicide note!
mabuhay kayong nagpupunyagi sa pagkakaalam na wala talaga akong kuwenta!
mabuhay kayong lahat na walang tiwala sa akin at kailanman hindi na magtitiwala!

palakpakan!

pasensya na sa aking sarili, dahil Sarili, ikaw ang aking pinaka nabigo. ikaw na walang hinangad kundi maitaguyod ang sarili sa mundong walang hinangad kundi gawin kang isa sa kanila. pasensya na sa mga ideyang hindi nabigyan ng pagkakataong maisilang sa mundo dahil sa takot, insecurity at kawalan ng oras.
pasensya na sa mga nasayang na oras na hindi ang iyong aura ang nararamdaman gayong salita mo ang nababasa. at higit sa lahat pasensya na dahil hindi ko alam kung maiaayos ko pa ang glitch sa ating pagkatao at kung maaayos ko na ang iyong vocal chords.





hawak ko na ang bomba, at ang una kong pasasabugin ay hindi ang esterong iniisip kong puno na ng kabulukan. hawak ko ang bomba at ang una kong pasasabugin ay.....

...


..


.
!BOOM!





ang sarili ko.