Saturday, March 21, 2009

Feeling ko lang Talaga

kasi lagi mong sinasabi na magsusulat ako ng magsusulat..

ganito un.

galit ka.

nagalit ka, kasi ung effort mo, tingin ng iba basura...

elitista ba ako?

namimili ba ng mambabasa ang mga gawa ko?

kung ganun, namimili ang pagkatao ko ng mga taong makakaintindi sa nararamdaman niya.
sabi mo kasi, comment ko ang tinitira mo, pero nang sabihin mong elitista ang gawa ko, pagkatao ko na rin ang tinira mo.

siguro nga unfair ako nang ibigay ko ang comment na un, knowing na first ever mo un. wala namang maganda ang nagsimula sa maganda na kaagad eh..

sa tingin mo ba, hindi ako na-aano kapag sinasabi niyong nakakalunod ang mga gawa ko?[migraine is fine]
at walang sense? [Clash, clash, bang bang]

wag mong ibunton sa akin ang naipon mong galit..
nainis ka na sa simulang comment pa lang...
napuno ka lang sa sinabi ko..

parang sinabi na, ‘o ayan, pinabigyan kong basahin yang basura mong tula for the sake na masabi kong nabasa ko to’,

hindi ba ganyan ka rin kapag may ipinapabasa akong work ko sayo?
hindi basura pero, ewan, baka basura naman talaga. pinagtyatyagaan mo lang na tapusin para masabi mong nabasa mo, at masabi kong "uy, may nakapagbasa rin"

pero minsan, aminado ako, wala talaga akong balak ipaintindi ang gawa ko. minsan lang kapag masyadon revealing ang message nun.. kaya pinipilit kong i-obscure ang gawa ako. kapag ginagawa ko un, ai, mababaw pa, laliman pa natin...hanggang sa pati ako, nahihirapan ng intindihin un.

o diba, pati ako, nahihirapan sa ilang gawa ko.
so dun sa tanong mo, kung ilan ba talaga nakakagets ng mga gawa ko, ang sagot, wala.

hindi ko intensyong gumawa ng standards of knowledge. wala akong ganung balak..

alam mo ba na dream ko. na masama sa hs english curiculum ang poems ko para iscrutinize at idissect ng mga estudyante?
pero malabo na un kasi aun nga, lagi niyong sinasabi na hindi madaling/masyang iappreciate ang mga gawa ko..

oo, nakakalunod...
pasensya naman.

pero alam mo ba ang sikreto lang sa ganyang problema?
oo, at sinabi ko na binasa ko lang siya para matapos na... sinabi niya na hindi ganoon kaganda...
pero kung ikaw mismo ang magsasabing basura ang gawa mo, wala ng pag-asa babango pa ang pagkatao niyan...

si clash clash bang bang... nagets ko na siya...
weird talaga kasi nung una, ang weird niya talaga, kayo rin nagsabi na pangit siya..
tapos, nung binasa ko uli siya after ilang araw.. i've found something extraoridinary about it na sa iba, dull lang...

nasa perspective naman yan eh..
first work mo yan as a poet kaya dapat maging proud ka...hindi man ganun kaganda rvws nila, hindi mo dapat ikahiya kasi inspired yan at reflection ng pagkatao mo...

oo, nabulag ako nung pinili ako ni mam vera para lumaban sa up bannuar.
feeling ko talaga, im so good to represent the school. pero natalo ako. hindi ko tuloy masabi sa sarili ko na marunong akong magsulat..feeling ko ang pangit pangit niya, masakit kasi for me, habang ginagawa ko siya, natutuwa ako, may story, may something, tas hindi ako nanalo. hindi ko talaga siya pinansin for the rest ov my hs life. kasi wala ding comment sakin si vera, kaya feeling ko nadisappoint ko siya ng bigtym. sakit nun. until nirewrite ko siya at binasa.

ok.so walang connect.wala akong karapatang mag-advice kasi hindi naman ako ganung kagaling...
wag mong sisihin yang inspirasyon mo, at wag mo rin syang tatalikuran kapag kumatok uli siya sa buhay mo, dahil hindi lahat ng manunulat nabibigyan ng inspirasyon sa bawat oras na gusto nila

Wednesday, March 4, 2009

Kung Paano Ginagawang Conyo ng Blogging Ang Isang Tulad Ko

isang pagpapaliwanag sa kung bakit ako nag-eenglish..

sa mga nakakaalam ng aking highschool background, walang halong pagyayabang, nguni't isa ako sa mga kinikilalang manunulat sa ingles sa aming batch. hindi ko sinasabing ako ay magaling dahil kung inyong matatandaan, wala akong sariling estilo sa pagsulat at tanging ang estilo ng mga manunulat na nababasa koa ang aking nagagamit. Matatas akong magsalita noon ng tagalog, at madaling natuto ng basic ilokano, habang lumalawak naman ang aking bokabularyo sa ingles. aminado akong hindi ako kagalingan magsalita ng inggles dahil madalas nauutal ako't hindi kayang sabayan ng akign bibig ang takbo ng aking utak.

simula ng aking tertiary education, ganoon pa rin naman ang aking gawi. english writer, at tagalog speaker. nito lamang semestre ako naging "english speaker". ok lang naman sa akin iyon dahil sa tingin ko ay nadedevelop na rin ang aking english skills. nguni't dahil ito ay binabansagang conyo style, at ako raw ay unti-unti nang nagiging conyo, nais ko lamang ipahiwatig ang aking hinala sa kung bakit nangyayari sa akin ito.

dahil sa kom na nirequire kaming gumawa ng blog sa tagalog, kaya mas madalas na sa tagalog na ako gumagawa ng mga sulatin. hindi na rin ako masyadong makagawa ng english articles na kalinya ng dati kong mga sulatin. aking nahihinuha na dahil dito, kung kaya ako nageenglish sa aking salita. pinipilit ng aking utak na ilabas ang kanyang english skills sa kahit anong secondary option. noong highschool, dahil hindi naman kailangan mag-english kaya primary option ko ang pagtagalog thus my english skills were channeled into writing. ngaun naman, dahil tagalog ang nirequire na gamiting lengguahe sa blog, kaya ang aking english phrases and words ay lumalabas sa aking bibig.

nakakasunod ba?
kunghindi, e di mabuti....

hindi ako conyo, dahil kung ibabase sa standardiya na pagiging conyo, dapat ay isa kang mayaman, maganda, elite o habulin ng money-clad suitors from all age brackets, at siyempre de tatak ang mga damit...

hindi ako mayaman.
hindi ako maganda..
lalong hindi ako isang elite
o habulin na maperang dyowa-to-be.

kung pwede lang sana.
ahahaha-aha-ahaha

Thursday, February 26, 2009

Lablayp Naman Tayo

ayokong isipin na attracted ako sa isang nilalang dahil materially-gifted siya.....

well, dahil wala na akong kontak [almost] sa aking elementary "friends for the meantime", at wala akong friends outside the sphere of my schooling, lahat ng friends ko ay with brains. kadalasan buong brain, ung iba naman, either left or right ung nadevelop, ung iba, pure sentimental things lang ang alam o ung second brain lang nadevelop [like uhm hypothalamus, pons, ekek]. ahaha. joke lang. ang lame. pero really, lahat sila intellectually gifted, given that they're either from pisay, or nakilala ko lang sila sa block ko.

Ung mga batchmates ko sa IRC, well, kilala ko sila, alam ko ang kanilang pag-uugali, pero dahil knowledge is a relative thing [at tama ba ako?] no truth value, alam ko base sa pagkakaalam ko. at dahil 31 lang kami, at nabuhay ako for two years hoping for my own Mr Darcy, limited lang ang choices ko for that matter. e di siyempre, doon na ako kay ganito, may brains na nga, may bling pa. ....Mr darcy soon drew the attention of the room by his fine, tall person, handsome features, noble mien... gentleman, true friend...blahblah...reserved, pero nonetheless amiable.

back to the course...
baka malaman niyo, sugurin niu pa ako...
alam kong marami rin nahumaling kay ganito..
maraming ring nangarap..
pero, [defMech]
hindi siya ang ginusto ko kundi ung image na nakikita ko.

ayokong isipin na dahil sa materyal na bagay, nahuhumaling ako sa isang tao.

may narenew, may natabunan, renew ulit.....

akala ko tapos na ako dun. na na-outgrew ko na ung childish affection for an image na tinatry kong ipatch kay french cappuccino. alam ko ang potensyal niyang maging isang ~woot! hearththrob, pain-in-the-ass papable in all sort ov way...matalino, mabait[?], talentado, and ov course, may looks [potential]. tinatry ko, pramis, ishape siya, to no avail, as in walang effect... kaya nagmove-on ako..

akala ko.

pinupuna ko na siya, nakikita ko ung mga bagay na hindi ko nakita dati nung minomolde ko pa, hanggang sa nagkakaroon na ako ng disgust sa kanya. hindi ako disgusted na naging prospect ko siya dahil, hallerr, sino ba naman tatanggi sa isang hardcore relationship na nag-ugat pa sa age ov innocence db? almost child-hood sweethearts, kahit hindi na kami ganoon ka child-looking individuals....
napunta na lang attention ko uli sa mga libro, coffee, music, sa cars, sa Audi, kay Jason Statham, hanggang sa..

wushoo!
ayun, may bling na siya, bumalik uli ung urge to shape him, ung images of kids na [hopefully walang mamamana sakin na physical attributes, at tanging mindpower lang ang maibabahagi ko sa kanyang genetic make-up, ] kamukha niya..o di ba, ang gaga, kebata-bata ko pa, wala pa nga akong boobs, anak na kagad iniisip ko.. anyways. aun, may bling bling na siya, mayabang uli ang dating niya sakin, mayabang na silent pero may sense, blahblah,[d ako pwede mabgay ng hints baka ipako niya ako sa krus] tas aun. narenew siya. oi jed! iba ito dun sa narenew sa philam ha!!! iba...

ayoko nang lagyan pa ng deeper meaning ang ganitong bagay dahil it's ov no value to me, kasi hindi na ako naniniwala sa romantic love, love oo, between family members, between friends, between a group sharing the same affliction, pero love between gender-defined people? no. i dont think so. it's either lust or, for some other reason i could easily fight them off.. katulad ng for company's sake, for financial security....blahblah..

mawawala din ito. mageexpire din ito, at hindi ko alam kung marerenew pa siya o hopefully, matubos ko na... hindi ko rin alam dahil una, hindi niya ako nakikita in that sort ov light [kahit itapat mo pa siya doon kasi wala talaga for him..*sob] pangalawa, hindi ko rin alam kung handa ba ako.. oo nga't pinapangarap ko rin magkaroon ng isang korean-like love wit all that gooey eyes, piano accompaniment falling leaves snowfall, blue sky like there's no tomorrow... pero more than that, kaya ko bang iharap sarili ko barenaked sa kanya? don't get me wrong, ang ibig ko lang sabihn. kaya ko ba ng complete transparency, walang lihim, walang inhibisyon? pangatlo, at ito ay sure ako, sa lahat ng katanungan ko regarding this, sure ako na ang lahat ng kasagutan,kahit na nakaharap na sa akin, hindi ko pa rin paniniwalaan dahil nabubuhay pa rin ako sa imahe na nilkha ko sa aking utak. at finally, connected to number 3, dahil hindi ko alam kung ang ginugusto ko ay si french capppuccino mismo o ang kanyang bling, o ang potentials niyang nakikita ko, kung mawala ang kanyang bling, kun tuluyan ng maglaho ang potensyal niya, may koneksyon pa ba ako sa kanya?


================
siguro, kailangan ko ng bitawan ang ideya na pagmamay-ari ko siya. dahil jan nag-uugat lahat ng problema. kelam ko ba kung hindi niya ako makita sa ganung light? hindi siya sa akin kaya dapat hindi ako nahehurt...tae. gacheesy. anyway.

ikaw..wag kang feeler ha. baka isipin mo nanaman na ikaw ito. kebs ko sayo? kekeloggin muna ako ng bonggang bongga bago ako mahulog sayo...
ahaha


***kung gaano kadaling marenew, ganoon din kadaling maexpire.
buti pa si philam-renewed, purely crush lang...

Tuesday, February 17, 2009

Para Sa Umangkin Ng Pagiging FFC Niya.

sa blog mong "silence", hindi man angkop ang reaksyon ko, ngunit kahit anong pagpigil, ay natatawa ako.

ilang bagay kung bakit ako natatawa....

Sa mga okasyong tama ako, hindi ko mapigilang ulit ulitin sa utak ko ang mga pangyayari, minsan lumalabas na rin ito sa bibig ko dahil punong puno na ng kayabangan ang utak ko.

believe me, ilang beses na rin iyang nangyari sa akin. kahit ayoko ng isipin pa, laging nariyan at umuulit ang mga eksenang hindi nagjive ang ating mga ideya. ang pagkakaiba nga lang, nakikita ko iyon sa aking paningin, sa aking sariling contact lens, kaya hindi ko maipipilit sa kahit na sino man na ang opinyon ko ang tama.ang tanging konsolasyon ko sa isang dilemang walang katapusan ay ang kaalamang sa pananaw ko, tama ako.

Para sa isa, alam kong madaming beses na kitang na offend,
aware ko, pero mas masakit ang mga ginagawa mo sakin.

para sa akin iyan, alam ko. the thing is, para sa akin, ganyan din ang nararamdaman ko. naooffend kita sa tuwing i take offense from your doings without you understanding the situation. ipagpalagay natin na ikaw nga si FFC, ano ang panghuling reason kung bakit FFC ka? the SHUT UP issue. so hindi mo naiintindihan kung bakit ako naoffend, bakit ko nga ba hindi ipinaintindi sa iyo? dahil, noong nakaraan, shinut up mo ako.

Para sa inyong dalawa , akala niyo kayo lang ang may
karapatang magalit.

kailan kita pinigilang magalit? kung sakali man na ang reaksyon namin ang pumipigil sa iyong magalit,saludo ako sa iyo dahil mas iniintindi mo pa ang damdamin ko [ayokong magsalita para saaming dalawa] kaysa ibsan ang galit na nararamdaman mo. walang halong sarkasmo, saludo ako. i've taken u less than what you are worth for. Pero hindi ba, jan rin nagmumula ang plastikismo ng relasyon nating magkaibigan? sa aspetong ito, dahil aminado akong lagi akong nagagalit, hindi ba't mas maganda iyon kesa ipunin ito hanggat sa hindi na kayanin ng sarili mo?

hindi niyo iniintindi ang mga
gusto ko talagang sabihin. At ang ending? ako, umiiyak sa
kalooblooban ko.

linya ko dapat ito.

Iba ang tingin niyo sa akin, sa isa na akala ko ay tunay kong
kaibigan, friend lang pala ako for convenienve,

natouch ako. pramis...............nagdadalawang isip tuloy ako sa ideya ng detachment.
naiiyak tuloy ako kung itinuturing mo na rin akong FFC mo.
ouch, masakit pala kapag ang itinuring mong isang real friend, ay FFC lang ang tingin sa iyo. masyado akong nagdwell sa ideyang nabigyan ko ng turing ang isang newly-found category na hindi ko iniitindi ang magiging epekto nito sa kalooban ng ilan, sila man si FFC o hindi.

Lagi niyo akong iniinsulto, ako rin lagi ko kayong iniinsulto,
pero dalawa kayo, mag isa lang ako, feeling ko lagi akong
talo.

ano ba ang nauna? ang manok o ang itlog? same thing, alin ang nauna, ang pang-iinsulto ko sa iyo, o ang pang-iinsulto mo sa akin? feeling ko lagi akong talo, linya ko rin iyon.

Kung may sabihin akong ayaw niyo, nagwawalkout kayo, hindi
niyo ko pinapansin, pero kung jinujudge niyo ako, pinipilit kong
hindi mapaiyak para lang walang masira na relationship.

alin ang mas nanaisin mo, verbal dispute na lahat tayo masasaktan, magbibitaw ng salita na dala ng emosyon at magiging dahilan ng malalim na argumento, o ang pagwalkout, magpalamig na ulo at hayaan na gumawa ng desisyon na hindi nabubulag ng malisosyong emosyon? literal man siguro ang pangiintindi ko dito, pero kailan nakasira ng relasyon ang luha?

pagiging bobo ko,

i've always seen you as the smart one and i being the ridiculously stupid kid in the bunch.

alam kong gaganti ka, alam kong matatalo ako,
alam kong hIndi ka agree sa mga sinasabi ko dito, alam kong
hindi kayo matutuwa, wala akong magagawa, dumating na
ang oras para magsalita ang emosyon ko …

sinabi kong mga bagay na ikintatatawa ko lang ang sasabihin ko, kung makita mo man ito bilang "paghihiganti" wala na akong magagawa. hindi ko intensyong makipagkompetensya sa iyo. hindi ako naglalabas ng emosyon para ipanlaban sa iyo. nagsusulat ako bilang outlet ng emosyon ko, tulad ng ginawa mo rito

nais kitang yakapin, nais kong humingi ng patawad sa lahat, dahil i know the feeling. pero dahil ayaw mo ng physical intimacy even as a friend, hindi ko gagawin iyon. i dont think its possible that we would ever get to the core of this problem, i dont think its possible even we'd still clear up each other's status of a friend. you've created a facade so convincing that i've never taken into consideration your feelings. napakainward ng approach ko.

and maybe, the reason why we are having all these is the fact that you fail to reach the standards of a real friend ive set for you, and vice versa. the reason of relationship failures, we always try to shape the other in a relationship and we get frustrated when plans dont happen as we want them to be.

Saturday, January 31, 2009

Dahek!

i didn't know what happened in my damn head, one moment, i was staring at this "thing" and i thought, i don't like the way the "thing" is arranged, and then, bam! i moved it!





you can never relate to this. you weren't there when it occured, thank god, there'll be less people to tease me.